Featured

Kahapon mahal ka pa nya, pero ngayon hindi na pala…

Motorcycle Details

Minsan may mga bagay lang talagang hindi naiiwasan
May mga tao talagang madaling magbago ng nararamdaman
Kahit hindi mo maintindihan kung ano ang kanilang dahilan.
Na sa mga panahon na lumilipas ay unti-unti mo naman itong namamalayan
At darating ang isang araw, pag gising mo sasampalin ka na lang ng isang masakit na katotohanan

Parang switch ng ilaw, na pwedeng nilang buksan para magliwanag ang paligid mo
At patayin anumang oras kung ayaw na nilang bigyang liwanag ang buhay mo.
Gaya nga ngayon, Masaya ka,
Pero bukas baka hindi na.

Madalas, nakakapag sabi tayo ng mga bagay-bagay na di naman natin kayang panindigan.
Nangangako, na kadalasan namang napapako.
Nagpapadala kasi tayo sa mga bugso ng ating mga emosyon.
Sumaya ka lang ng sandali… In love ka na agad?
Napatawa ka lang nya saglit… Mahal mo na agad?
Nakasama mo lang ng ilang araw… May forever na agad?

May mga ganung tao naman talaga…
Ngayon gusto ka nya… Bukas hindi na…
Ngayon napapatawa ka nya… Bukas umiiyak ka na…
Nangyayari yan, Sa hindi mo inaasahang oras.

Sa panahong akala mo ay okay pa
Sa panahong akala mo ay pwede pa
At sa panahong akala mo ay habangbuhay na
Hanggang sa bigla mo na lang napansin na tumigil na pala ang mundo mo
Sabay sa pag buhos ng luha mo;

“Na kahapon mahal ka pa nya, pero ngayon, hindi na pala…”

Saving myself

maxresdefault.jpg

 

We all wanted to be happy!

Yun nga lang sa isang daang tao, maswerte na na merong dalawa o tatlong naging masaya. At yung 97 na natira? nakikipag-sapalaran pa rin.

I can say na, I’m one of those 97 people remaining.

I’m the type of person na I give everything kahit wala ng matira sakin. Kahit alam kong iyon na yung last money ko, last thing na meron ako. I will still give it. To the point a bibilhin ko yung pinaka maayos at mahal na regalo para sa birthday o especial na araw ng mahal ko kahit pa pikit mata ang presyo. Ako yung, gagastos para lang makatipid sya. That’s how generous I am basta para sa mahal ko.

Hindi ako madamot, God knows and my friends too. Kung anung meron ako, kung anung akin sa kanya din. At kahit na harapan nya kong ginago, ok pa rin sakin kasi mahal ko. Pinatawad ko pa rin sya. Kahit halos mabaliw ako sa mga nangyari.

I’m also the type of person na sobrang maasikaso. Daig ko pa ang nanay mo sa pag aalaga sayo. Na halos paliguan na kita para lang ma sure na maayos ka. Ipagluluto, ipaglalaba, ipamamalantsa, ipagbabaon ng food sa work at kapag may lakad kayo ng friends mo, ako pa mag preprepare ng gamit mo at susuutin mo kahit na pinakilala mo ko sa kanila bilang pinsan mo at hindi bilang mahal mo.

Pero wala e, sabi nga nila, “people come and go” & “People change”.
So isa ka pala sa kanila, nag sawa ka na at lahat ng sacrifices na ginawa ko, nabalewala mo lang.
You’re physically here besides me, but emotionally away. Nag hihintay na lang ako ng confirmation sayo to say na you wanted this to end. . .
And honestly?, I’ll walk away and leave you, even though masakit kasi I want you to be happy just like anyone else, kasi gaya ko, deserve mo din.

I have lived my 27 years giving providing all to my family. Because I though that is life supposed to be. As an OFW, kinakalimutan namin yung para samin kasi we want our family in Pinas to be happy and to fulfill what they want. In my 6 years here in UAE, nothing happened, walang ipon kundi utang. Every remittance ko parang di sapat and always kulang. Yung point na akala mo is okay na, yung akala mo sapat na sa kanila, hindi pa pala.

This past few days, ang dami kong narealize. That in this world, even you do good to everyone, for them it’s not enough, they won’t appreciate it and the only things they will remember from you is your mistakes.

I’m alone and will always end up being alone again. I guess this how cruel the world is, you dreamt something big and yet you failed. You love someone who doesn’t love you back, and someone who loves you but you can’t love back. Ang komplikado no? I didn’t ask God for a perfect life. Pero I think, its not meant for me. So let it be.

I came to the point na , I questioned God, why?

Yesterday, I woke up & decided to take my life. Sabi ko, kung meron man pipigil sakin, it a sign na wag. Pero none of them, stopped me. Kaya na I still went through. Habang lumalangoy ako palayo, ay sya namang lakas ng alon at tinatangay ako pabalik sa lupa. I end up crying, kasi di ko na talaga kaya.

I still have the will to end it all. Hindi man ngayon, pero ramdam ko malapit na. I just need the right sign, the right time and the right place. Because this is the only way how to save myself.

Can we all just get along?

4173728e47bbdf2e9e638fe0e73e854eef529a5b
Photo not mine. Credits to the owner

I am not a Pro neither Anti Marcos. Pero batid ko mga pangit at magandang nangyari nang narakaraang kanyang pamumuno dala na rin ng kwento ng mga matatanda sa atin. Maraming biktima’t nasaktan, mga namatay at naulila. Nakakalunkot and I feel so sorry sa mga biktima.

 

“Oo kasalanan nya!”
“Oo, sya ang puno’t dulo!”
“Oo, sya lang at ang kanyang diktaduryang pamumuno!”

Lahat naman tayo we commit big mistakes in our life. Hindi tayo perpekto e. Pero hanggang saan tayo dadalhin ng galit natin? Sino bang panalo sa pagkakataong ito?

“Siya ba na matagal ng pumanaw at paniguradong nahusgahan na ng maykapal sa kanyang mga nagawa?”
O
“Ikaw na hanggang ngayon dala-dala pa din ang galit dyan sa puso mo at hindi ka makaalis-alis sa pait ng kahapon?”

Former-President-Marcos-Burial-at-Libingan-ng-mga-Bayani-002_CNNPH.png
Photo not mine. Credits to the owner

Patay na si Marcos! Nakasulat na sa history ang lahat ng kanyang mga nagawa at mga nangyari. Kung hindi ba sya nailibing sa libingan ng mga bayani, mababago pa ba ang nakaraan?

Nakakabingi na ang di pagkakasundo at pagkakaisa nating mga Pilipino. Di pa ba kayo napapagod at nagsasawa?

We aim for Peace in our country, gusto natin maging maayos at maunlad ang bansa and yet we are divided by each of our beliefs and parties, and we’re still holding the grudge. Kinakain na tayo ng pride at galit natin dala ng mga pangit na nakaraan.

Carpe.jpg
Photo not mine. Credits to the owner

If we really want peace, unity, and this country to develop, bakit di natin simulan sa ating mga sarili? bakit hindi tayo magpatawad? Forgiveness doesn’t mean that you need to forget, but as a start to move on and to begin a new chapter. And if you can’t really forgive that person, at least let go your anger. Ito ba ang ituturo natin sa mga kabataan ngayon? Ipapasa pa ba natin ang galit natin sakanila tungkol sa isang diktador? Hahayaan ba natin na magdala sila ng galit? Alam natin ang bigat ng may dala-dalang galit. So wag natin hayaan sila ang magpatuloy nito.

 

Sabi nga ni Jose Rizal, “Ang kabataan ng pag asa ng bayan.” Kaya sila ang pagtuunan natin ng pansin, ang kinabukasan nila. Let us educate our children about our history but teach them the value of forgiveness and letting go, not hatred.

Sarap lang isipin if we can all get along without any hatred but only with love and peace. Walang issue about kay #Marcos, #Delima, #EJK, #Dutertads or #YellowTards. Let us all unite! Sabi nga sa kanta ni Guy Sebastian – Get Along:

f5
Photo not mine. Credits to the owner

“Dear God, dear soul
Dear Mary, Mohammed
Can we just get along
Can we just get along,

Dear heart, dear life
Dear soldier, dear martyr
Where did we go wrong,
Can we all just get along”

 

Sasama na ba ko?

images Bumalik ka na naman. Matagal na halos nung simula ng nawala ka. Akala ko tapos na, akala ko nalampasan na kita, akala ko natakasan na kita, akala ko okey na. Puta! Hindi pa pala.

Takot ako sayo alam mo yan. Simula pa lang noon hawak mo na ko sa leeg. Kelan mo ba ko titigilan at patatahimikin? Nagmumukha na kong tanga at may sayad sa mata ng iba.

Hinahatak mo na ko pababa, pilit mo pa din akong sinasama. Kahit alam mong may ibang tao ng nangangalaga sakin. Kahit alam mong marami pa kong gustong abutin. Kahit alam mong marami pa kong pangarap na gustong marating. Pilit mong ipinamumukha sa akin na mas magaling ka, mas maalaga ka kesa sa kanya, pilit mong sinasabing ginagamit lang nya ko, at pinagdidiinan na di sya totoo, na balang araw iiwan nya din ako, pilit mong pinamumukha sa akin na itigil ko ng mangarap dahil mabibigo lang ako, At Sa kabila ng pagtatakwil ko sayo, andyan ka pa din. Pabalik-balik ka parin.

Pero alam mo, siguro nga tama ka. Dumating na nga ang araw na ayaw nya na, na saktan na nya ko, na gusto na nya kong bitawan. Nakakatawa no? Pinagtatanggol ko sya sayo, pero eto kinalabasan.

Wala na naman akong nararamdaman na iba kung hindi pagod. Masakit lang talaga sa likod. Ang bigat na sa loob. Ang iba kaya na wala ako. Mabubuhay sila ng wala ako. Ikaw, napatunayan mo kahit pano, na kahit wala ka na, binabalikan mo ako dahil hindi mo kayang wala ako.

Oo nga pala Birthday mo. Anu ba gusto mo regalo?

Happy Birthday!

Tanong ko lang, kung sasama ba ko sayo, hindi mo na ba ko iiwanan ulit?

 

#photoNotMine

Ang sama ko pala.

starwars_sadMay rason pa nga ba para sumaya? Tama bang sundin yung gusto mo kahit mali na para sa iba? Masama bang mag hangad ng isang bagay na kahit kelan e wala ka? Kasakiman bang kahit minsan maghanap ka ng katiting na  atensyon dahil alam mong buong buhay mo walang pumapansin sayo? Makasarili bang matatawag kung halos lahat ng bagay para sumaya sya ay nagawa mo na? O sadyang dapat mo na lang tanggapin na kahit kelan hindi ka sapat para sya maging maligaya?

Kelan pa naging mali ang isang bagay na tanging dun ka lang nagiging masaya? Dapat bang kalimutan na lang sarili mong kaligayahan para sa kapakanan ng iba? Dahil sa tuwing nagiging masaya ka ay nasasaktan sila. 

Ang sama ko pala. Dahil pinipilit ko ang isang bagay na hindi naman nararapat. Akala ko pwede pa. Akala ko okay lang. Hindi pala. Ako pala ay sumosobra na. 

Wala na ba talagang paraan para mabago pa? Kulang pa ba ang pag hingi ko ng tawad para maging ayos ang lahat? Bakit kahit anung gawin ko madumi pa din ako sa paningin nila? At kahit anung gawin kong pagbabago ay di na matanggal ang duming nakakapit sa akin? Dapat ko pa bang tanungin, kung bakit kayo lumalayo sa akin? Maging ang taong pinaka malapit sa akin ay napapagod na sa pag uugali ko. 

Siguro nga, kailangan ko ng lumayo. Hindi lang para matuto at buuin ang sarili ko kundi para wala ng masaktan na gaya niyo. Dahil pagod na kamo kayo. Hindi nga lang ako ang bida dito. Kung minsan nagiging kontrabida na pala ako sa mga kwento niyo. Kaya tama na. Tatanggapin ko na. 

Oo, Hindi lang ako ang may problema. Hindi lang ako ang gustong sumaya. Kayo din. Matatapos lang ba ang problema nyo at matatagpuan nyo ang kaligayan niyo kapag nawala na ako?

Sige pagbibigyan ko na kayo. Magpaparaya na ko. At sisimulan ng pakawalan ang bagay na kahit alam kong dun lang ako magiging masaya ay akin ng bibitawan. Aanhin ko ang saya kung ang ikaw naman ay hindi na masaya.

Gaya mo at nila nangangarap din akong maging masaya. Oo, Hindi nga naman masama o bawal maging maligaya kung ang kaligayahan mo ay kaligayahan din nila…

Salamat. Pasensya na… At sana maging masaya ka na. . .

 

#photonotmine.

“Ano bang ginagawa ko sa buhay ko?”

Regret and death

Naitanong mo na ba ito sa sarili mo? Kasi ako oo!
Sa dinadami ng mga nangyaring masasakit sa buhay ko,
At sa tinagal tagal ng paghahanap ko ng mga sagot sa mga katanungan ko,
Sa huli, sa tanong lang din pala na ito ako mauuwi.

“Anu bang ginagawa ko sa buhay ko?”

Eto yung tanong na kung saan humantong na ako sa sukdulan.
Na hindi na option ang pag sisisi para matakpan lahat ng nangyari.
Na kung saan, wala na akong magagawa para balikan at piliting ayusin ang lahat.
Dahil sa punto na to, alam kong bagsak na ako, at alam kong nagkamali ako.

“Anu nga bang nagawa ko sa buhay ko?”

Dumating na ko sa puntong, wala na akong alam na ibang paraan,
Na hindi ko matanggap na umabot ako sa ganito.
Yung pinipilit kong tumakas pero nakatali na ang mga paa ko sa mga nangyari
Kaya pilit kong inililihis ang aking isipan sa ibang bagay at mangarap ng gising,
Na sana ganito, sana ganyan ang mga ginawa ko at ng naiwasan ko ang ngayong mga nangyari.

“Bakit ko nga ba nagawa ito sa buhay ko?”

Andito na ko sa finale,
Kung saan, unti-unti ko ng tinatanggap ang mga nangyari.
Na kung saan, inihahanda ko ang aking sarili sa isang pamamaalam.
Pamamaalam hindi lang sa mga bagay na nagawa ko,
Pamamaalam hindi lang sa mga taong nakapaloob dito,
Kundi pamamaalam sa sarili kong hindi kailanman nakaranas ng katahimikan.
Hindi kailanman nakagawa ng tama at pinagkaitan ng kasiyahan.

Kasalanan ko naman talaga e, kasi gaya mo;

Nagmahal lang din ako,
Naghangad maging maligaya
At Nangarap ding maging masaya!

Kaya ko ito nagawa. . .

Naranasan mo na ba?

broken-dreams

Naranasan mo na bang mangarap?
Mangarap ng mga simpleng bagay, simpleng kasiyahan.
At yung sa oras na makamit mo na ang simple mong pangarap, mangangarap ka ulit ng higit pa.
Hanggang ang simple ay maging impossible at hindi na normal gaya ng sa iba.
At ng mabigo ka hindi mo alam ang kung saan at kung papaano ka mag sisimula.

Naranasan mo na bang makipagkaibigan?
Yung bumuo ng isang samahang hindi matitinag?
Na kapag hindi ka na nauunawan ng mga tao sa paligid mo,
May isang taong babatok sa ulo mo, at dadamayan ka hanggang sa huli.
Pero nung magkaroon ka na, hindi ka pala nya masasamahan hanggang sa huli.
Gaya mo, may mga pangarap din pala sya.
Yun nga lang di ka kasama sa pangarap nya.

Naranasan mo na bang magmahal?
Magmahal ng taong, gusto mong makasama habang buhay?
Yung taong mamahalin ka din gaya ng pagmamahal mo sa kanya?
Yung taong makakasama mo sa pagbuo ng sarili mong pamilya,
At nang dumating na nga sya, ibinigay mong lahat lahat agad.
Yung wala ka ng tinira para lang mapaligaya sya.
At di nag tagal, nanawa na sya hindi dahil sa nalunod sya sa sobra mong pagmamahal.
Kundi hindi na pala tugma ang pangarap nyong dalawa.
At sa huli, hindi rin kayo nagtagal.
Iniwan ka nya at wala na sayong natira.

At naranasan mo na bang sumuko na lang?
Yung sakabila ng lahat ng pagsusumikap mo,
Sa kabila ng lahat ng ginawa mo para lang ika’y sumaya,
Sa huli, ikaw pa rin pa lang mag isa.
Nakakatulala, yung tutulo na lang ang iyong mga luha.
Yung halos buong oras mo kinain ng pananahimik mo sa isang sulok ng iyong silid.
Yung halos isip ka ng isip sa isang bagay na hindi mo naman matukoy kung ano nga ba talaga.
Yung hinahanap hanap mo ang sagot sa hindi mo naman alam na tanong.
Para ka ng tanga, dahil hindi mo na alam kung saan ka pupunta.

Hindi mo ba napapansin?
Lahat ng ito ay nabuo sa isang pangarap.
Lahat ng sayang naranasan mo ay nagsimula simple mong pangarap.
At lahat ng sakit na nararanasan mo ay tinapos din ng ng isang bigo mong pangarap.

Magpapatuloy ka pa ba?
Mangangarap ka pa rin ba?
O titigil ka na at magpapahinga?