Walang forever. Ang meron lang, pansamantala.

maxresdefault
Photo Credit: Banda ni Kelggy – Walang wala (offcial music video)

Sabi nga nila walang forever. Hindi naman masamang umasa na may forever. Pero hindi rin naman daw mabuti na pinipilit mo pa kahit alam mo na wala na talaga. Hindi rin naman kita pwedeng sisihin dahil alam kong tanging sa kanya ka lang sumasaya kahit alam mong mas masaya sya sa piling ng iba. Masakit di ba? Hindi dahil sa masaya sya iba, kundi dahil hindi na sya sayo masaya. At kahit anu pang effort ang gawin mo, magta-tumbling ka man, wala na syang gana sayo at di ka na nya gusto.

Abot ang paggunita mo sa inyong nakaraan. Na dati/nuon, oo, masaya sya sayo. Ikaw halos ang sentro ng kanyang atensyon. Abot ang kanyang paglambing, panggigigil, at pag aaruga nya sayo’y para bang walang katapusan. Pero lahat pala ay panandalian lang. Biglaang natapos. Ika nga nila, umiikot ang mundo. Kung nuon nasa taas ka at tanaw mo ang lahat, ngayon nasa ilalim ka at limitado na ang iyong mga galaw. Tanging tanong mo lang sa inyong sarili ay, Bakit nga ba? Ano nga bang dahilan? Saan ka nga ba nag kulang? O kulang pa ba?

Ang sagot ay, hindi ka naman nagkulang, sobra sobra pa nga. Kita naman nya lahat ng ginagawa mo para sa kanya. Yun nga lang hindi naman nya na yun kailangan, dahil hindi na rin ikaw ang kanyang kailangan. May mga bagay lang talaga na hindi permanente, sa madaling salita hindi lahat para sayo at hindi lahat ng gusto mo ay makukuha mo. Yun ang masakit na katotohanan. Pero hindi ba dapat maging masaya ka pa din? dahil kahit hindi na sya tulad ng dati, sa kabilang banda napasaya mo sya, napasaya ka nya at kahit pano naging masaya kayo sa isa’t isa. At patuloy ka pa din dapat maging masaya para sa kanya, dahil sa kabila ng mga nangyari maligaya pa din sya, yun nga lang sa piling na ng iba. Kahit na sa kabila ng pagtanggap mo sa mga nangyari, hanggang ngayon mahal na mahal mo pa din sya. Kahit ang sakit sakit na. Kahit di mo alam kung saan at panu magsisimula. 

Sa point na to, talo ka talaga. Magkagayunman, hindi man ganun kadaling makalimot, hindi man ganun ka bilis mag move on. Magpasalamat ka pa din, dahil sa kabila ng lahat na mga mangyari, nakakatayo ka pa rin. Sa ngayon, humarap ka muna sa salamin, huminga ng malalim, mag ayos, titigan ang iyong sarili at simulan ang araw mo ng nakangiti. Dahil wala mang forever, at least kahit paano, sa isang yugto ng buhay mo, naging masaya ka, kahit panandalian lang. Kahit ang meron ka lang ay isang, Pansamantala.

#walangforever #pansamantala #hugot 

Advertisements

Martir ka nga talaga!

depressed-man-at-the-lake

Ayaw mo na
pero eto ka pa din at nakatunganga
Umaasa ka sa wala
Kaya naiiwan kang mag isa at nakanganga.

Nag paraya ka nga
Pero nananatili ka pa din sa kanya
Alam mong tapos na
Pero nagbubulagbulgan ka pa

Sabi mo okay ka na
Pero sa loob mo’y durug na durog ka na
Bawa’t ngiti at saya nila sa isa’t isa
Ikaw naman ay namamatay na

Pinipilit mong huminga
Pero ika’y nasasakal na
Ayaw mong sumuko
Dahil hanggang ngayon ay umaasa ka

Sabi mo nga kaya mo pa
Pero sa totoo lang nauupos ka na
At sa bawat pag papanggap mong okay ka
Mas lalo kang nagmumukhang tanga

Hibang ka nga talaga
Dahil wala ka ng ginawang maganda
Tumatanda ka na pero para kang bata kung umasta

Kelan ka ba matatauhan?
Kelan mo ba matutunan?
Kapag ba naubos na ang bituin sa kalangitan?
Kapag ba sinabi at sinampal na nila sayo ang masakit na katotohanan?

O hihintayin mo pang pumikit ang iyong mga mata ng tuluyan bago mo maisip ang iyong mga kagaguhan?

Martir ka nga talaga!

Wala ka ng puwang para sa iba
Wala ka ng ibang lugar na pupuntahan pa
Sirang sira ka na para sa kanila
Kaya’t lumayo ka na at wag ng bumalik pa.

Hindi tayo si Popoy at si Basha

“Mahal na mahal kita…. At ang sakit sakit na…”

Mga Salitang Balbal Ng Batang Ligaw

image

Hindi tayo si Popoy at si Basha.
Dalawang tao lamang tayo na pinagtagpo ng kasaysayan at pagkakataon.
Panandalian.
Pansamantala.
Na kailanma’y hindi na muli magkukrus ang mga landas.
Dahil hindi tayo tauhan sa gawa gawang pelikula na naniniwalang may happy ending.
Na may pagtatagpo matapos ang mahabang prusisyon.
Na umaasa sa mga bagay na kailanman hindi naman na maibabalik pa.

Hindi tayo si Popoy at si Basha.
Narito na tayo sa bagong yugto,
Na kung saan may kanya-kanya na tayong kabanata at pag-iral.
Na kung saan kailangan na nating tuldukan ang napakahabang pangungusap.
Dahil salungat na ang kwento ng buhay nating dalawa.
Ikaw, patungong paglimot at paghilom.
Ako, naiwan dito na wasak at miserable.

Hindi tayo si Popoy at si Basha.
Tapos na akong umasa na sana ako nalang.
Sana ako nalang ulit.
Lunod na ako sa kamandag ng serbesang naging kaibigan ko sa malulungkot na mga gabi;
Puwing na sa…

View original post 157 more words

The real question in life

We have lots of questions that could be answered by many reasons that may lead us to confusions and affects our decisions. We’re getting tired of all these things that keeps on happening to us every day. It’s not normal and not even healthy. Last night, I went outside and have a cup of coffee with my friends, when I started asking myself random questions that even I already have the answers, still, I keep on asking and even before I sleep, my mind still bragging me with those questions. Until this morning, when I woke up, there is a question that popped out on my head. And, you know what? I realized that It’s not actually the answer or reason that really matters, it’s the question itself. Because the question that we should only ask to ourselves should simply be answered with “Yes or No”. I took a shower, faced myself in the mirror, took a deep breath and asked myself with that question, “Are you really Happy?” I smiled while shaking my head, packed up my things and went to work, sip a cup of my coffee and never asked myself again.