Dubai Creek,  May 11, 2015.
Dubai Creek, May 11, 2015.

May mga bagay lang talaga na di tumatagal at di pang habang buhay.
May mga pinagsamahang nakakalimutan dahil sa pagbabago.
May mga taong iniiwan dahil di na sila masaya at may iba na silang gusto.
Hindi lahat kayang tumanggap ng pagkatalo
Hindi lahat kayang manakit ng kapwa tao, Kaya mas pinipili nilang magpanggap o galitin at saktan ka ng di sadya para ikaw mismo sa kanila ang lumayo.
At ikaw naman itong si tanga, sige pa rin kahit halatang halata mo na ang pang gagago nya sayo. Dahil sa mahal mo nga naman sila, pinag sasawalang kibo mo na lang ang lahat.
Hindi lahat ay nakatadhana para sayo
At hindi lahat ng tao kasing tanga din ng iniisip mo
Kung minsan magigising ka na lang na lahat sa paligid mo ay kalaban mo
Ultimong sarili mo ay galit na din sayo
“Putang ina!” ang tanging sigaw mo sa sarili mo dahil ika’y pagod na sa mundong halos lahat e ayaw sayo! Ang masakit pa nito kahit anung gawin mo ay wala ring nagbabago
At sa huli tatapusin mo na lang ang lahat at pipiliing mong maglaho.