Featured

Kahapon mahal ka pa nya, pero ngayon hindi na pala…

Motorcycle Details

Minsan may mga bagay lang talagang hindi naiiwasan
May mga tao talagang madaling magbago ng nararamdaman
Kahit hindi mo maintindihan kung ano ang kanilang dahilan.
Na sa mga panahon na lumilipas ay unti-unti mo naman itong namamalayan
At darating ang isang araw, pag gising mo sasampalin ka na lang ng isang masakit na katotohanan

Parang switch ng ilaw, na pwedeng nilang buksan para magliwanag ang paligid mo
At patayin anumang oras kung ayaw na nilang bigyang liwanag ang buhay mo.
Gaya nga ngayon, Masaya ka,
Pero bukas baka hindi na.

Madalas, nakakapag sabi tayo ng mga bagay-bagay na di naman natin kayang panindigan.
Nangangako, na kadalasan namang napapako.
Nagpapadala kasi tayo sa mga bugso ng ating mga emosyon.
Sumaya ka lang ng sandali… In love ka na agad?
Napatawa ka lang nya saglit… Mahal mo na agad?
Nakasama mo lang ng ilang araw… May forever na agad?

May mga ganung tao naman talaga…
Ngayon gusto ka nya… Bukas hindi na…
Ngayon napapatawa ka nya… Bukas umiiyak ka na…
Nangyayari yan, Sa hindi mo inaasahang oras.

Sa panahong akala mo ay okay pa
Sa panahong akala mo ay pwede pa
At sa panahong akala mo ay habangbuhay na
Hanggang sa bigla mo na lang napansin na tumigil na pala ang mundo mo
Sabay sa pag buhos ng luha mo;

“Na kahapon mahal ka pa nya, pero ngayon, hindi na pala…”

Advertisements

Kape pa more!!!

  
Malaki pinagkaiba ng:

Naeexcite ka sa kanya sa kailangan mo sya… At kailangan mo sya kesa mahal mo sya…

Parang Kape lang yan, na eexcite kasi Masarap sya, Kailangan mo sya kasi gawa ng init nya pero kapag nanlamig na at natikaman mo na ung pait nya umaayaw ka na.
Kape pa!!!
#Hugot #HugotSaGabi #PayoKoLang #NapansiKoLang #MeeeTime

Ang buhay natin ay nagsisimula sa isang “Hi!” at nagtatapos sa salitang “Bye!”

11650952_10202905921247298_1012001421_n
Kish Island, Iran (June 2015)

Nagsisimula ang lahat sa isang”Hi!”
At nagtatapos sa salitang “BYE”

Hindi natin hawak ang mga mangyayari
Hindi rin natin kayang pahintuin ang bawat sandali
Hindi natin mapipigilan ang mga pagbabago 
Dahil hindi naman tatsulok ang hugis ng mundo kundi bilog.
Hindi natin kontrol ang bugso ng bawat damdamin
Kung minsan bigla na lang tayong bibigay at mabubuwal hanggang ang lahat ay mawalan ng saysay’
Hindi dahil sa mga sakit o pagod na binibigay sayo ng mga taong nasa paligid mo,
Kundi ang paulit ulit na lang na nangyayari sa buhay mo.
Hindi naman masamang maging masaya
Kung ang mga tao sa paligid mo ay masaya din gaya mo.
Pero kung lahat sila ay nanlamig na,
Siguro kailangan mo na din magparaya.
Hindi naman pang telenovela o pelikula ang buhay natin.
Walang mga bigating punch line na binibitawan
Dahil hindi naman tayo si Nora na superstar
Na sa kabila ng lahat ng kanyang hirap at sakripisyo, sa huli, may happy ending.
Simple lang naman ang buhay ng tao sa mundo,
At hindi nating pwedeng piliin ang mga taong dumarating sa buhay natin.
Di mo alam kung hanggang kelan sila mananatili sayong tabi.
Maaaring ngayon nag ha-hi ka sa kanya, pero baka bukas mag-bye ka na.
Siguro nga hindi natin alam
Dahil lahat naman ng bagay ay walang kasiguraduhan
Iisa lang naman ang malinaw,
Tumatakbo ang oras, panahon din ma’y lumilipas.
Masaya man o Malungkot
May happy ending man o walang forever,
Ang buhay natin ay magsisimula pa din sa isang “Hi!”
At magtatapos sa salitang “BYE!”