Paulit ulit na lang…

Siganui Sup 2012
Siganui Sup 2012

Wala namang madali sa mundo. Kahit naman nakasanayan mo ng gawin ang isang bagay, mapapagod ka pa din at mahihirapan. Kahit san lupalop ka man magtungo at manirahan. Kahit sino pa man ang makilala at makasama mo sa buhay. At kahit anu pa mang pagbabago ang gawin mo para lang sumaya ka. Ang buhay mo ay paulit ulit lang. Rorolyo sa mga senaryo at eksenang; Pag gising mo sa umaga, maliligo, kakain, magtratrabaho o papasok sa eskwelahan, makikisalamuha sa ibat ibang uri ng tao, tatawa, iiyak, masasaktan at uuwi ka para kumain, mahiga at matulog. At bukas iisipin na, panibagong araw man ang dumating, pare-parehas lang…

Totoo, walang perpektong buhay. Dahil kung meron man hindi dito sa mundo mo makikita yun, kundi sa langit. Ke mayaman ka man o mahirap. Kahit nabibili mo pa ang lahat ng bagay sa mundo, hindi ka pa din makukuntento. Palagi pa ring may kulang. Andyan yung palipat lipat ka ng lugar. Papalit palit ng mga kaibigan. Papalit palit din ng syota, sinosyota, asawa o inaasawa. At kung minsan pa nga pati relihiyon kung sansan ka na umanib. Pero may nangyari ba? naging masaya ka ba? may nabago ba? WALA.

Siguro nga ganito talaga ang mekanismo ng buhay ng tao. Palaging may kulang. Kasi nga naman kung kuntento at kumpleto ka na, anu pa nga bang saysay at kulay ng pag lagi mo sa mundong to di ba? Matitigil lang naman ang lahat ng hirap natin kapag wala na tayo. Baka ganun lang din dahilan ng maylikha. Baka nga… Baka lang…

Ewan ko at malay natin. Di ko alam at alam kong hindi mo rin alam. Sabi nga, kakambal ng saya ang lungkot, ng tawa ang paghagulhol, ng tagumpay ang kabiguan, at ng buhay ang kamatayan.

Kaya’t ako eto;

Mag isa, kakalipat lang ng trabaho. Walang relihiyon (pero naniniwala pa din ako sa Maykapal). Walang masyadong kaibigan at tanging kasama sa ngayon ay isang bote ng JD and chicha na doritos. Steady lang. Kahit alam ko na kinabukasan, pag gising ko,

“Oo, Panibagong araw na naman ang haharapin, at mauulit at mauulit lang uli. Ang nakaraan sa kasalukuyan at kasalukuyan sa kinabukasan.”

Advertisements

BAHALA NA SI BATMAN!

batman_400x400

Minsan di mo na alam ang gagawin mo, lahat naman kasi ng bagay sa mundo e di tayo sigurado. At halos nalilito ka na sa dami ng dapat pagdesisyonan sa buhay mo. At kalimitan pa nga, napipilitan pa tayong sumugal at pumusta na minsan nauuwi sa maling daan. Pero tama bang lahat na lang ay iaasa natin at isisisi kay BATMAN?

Pasensya ka na, wala din akong ibang aasahan kundi ikaw… Super hero ka nga di ba? So lubos-lubusin mo na…

“BAHALA NA SI BATMAN!”
#hugot #hugotOfTheDay