Paulit ulit na lang…

Siganui Sup 2012
Siganui Sup 2012

Wala namang madali sa mundo. Kahit naman nakasanayan mo ng gawin ang isang bagay, mapapagod ka pa din at mahihirapan. Kahit san lupalop ka man magtungo at manirahan. Kahit sino pa man ang makilala at makasama mo sa buhay. At kahit anu pa mang pagbabago ang gawin mo para lang sumaya ka. Ang buhay mo ay paulit ulit lang. Rorolyo sa mga senaryo at eksenang; Pag gising mo sa umaga, maliligo, kakain, magtratrabaho o papasok sa eskwelahan, makikisalamuha sa ibat ibang uri ng tao, tatawa, iiyak, masasaktan at uuwi ka para kumain, mahiga at matulog. At bukas iisipin na, panibagong araw man ang dumating, pare-parehas lang…

Totoo, walang perpektong buhay. Dahil kung meron man hindi dito sa mundo mo makikita yun, kundi sa langit. Ke mayaman ka man o mahirap. Kahit nabibili mo pa ang lahat ng bagay sa mundo, hindi ka pa din makukuntento. Palagi pa ring may kulang. Andyan yung palipat lipat ka ng lugar. Papalit palit ng mga kaibigan. Papalit palit din ng syota, sinosyota, asawa o inaasawa. At kung minsan pa nga pati relihiyon kung sansan ka na umanib. Pero may nangyari ba? naging masaya ka ba? may nabago ba? WALA.

Siguro nga ganito talaga ang mekanismo ng buhay ng tao. Palaging may kulang. Kasi nga naman kung kuntento at kumpleto ka na, anu pa nga bang saysay at kulay ng pag lagi mo sa mundong to di ba? Matitigil lang naman ang lahat ng hirap natin kapag wala na tayo. Baka ganun lang din dahilan ng maylikha. Baka nga… Baka lang…

Ewan ko at malay natin. Di ko alam at alam kong hindi mo rin alam. Sabi nga, kakambal ng saya ang lungkot, ng tawa ang paghagulhol, ng tagumpay ang kabiguan, at ng buhay ang kamatayan.

Kaya’t ako eto;

Mag isa, kakalipat lang ng trabaho. Walang relihiyon (pero naniniwala pa din ako sa Maykapal). Walang masyadong kaibigan at tanging kasama sa ngayon ay isang bote ng JD and chicha na doritos. Steady lang. Kahit alam ko na kinabukasan, pag gising ko,

“Oo, Panibagong araw na naman ang haharapin, at mauulit at mauulit lang uli. Ang nakaraan sa kasalukuyan at kasalukuyan sa kinabukasan.”

Advertisements

7 thoughts on “Paulit ulit na lang…

  1. I just want to share my thought about the title of your post. 🙂 Habang nag scroll ako, The title that is used in this blog caught my attention bec I didn’t expect na mapapakanta ako. (Yes, srsly.) Automatic ko sya kinanta instead of reading. Haha.

    And I realized that it is similar to the lyrics of “Paano ba ang Magmahal” by Sarah Geronimo and Piolo Pascual, which is used to be the theme song for “Break-up Playlist” (A filipino movie)

    Like

    1. Haha really? dunno that movie. Napaka outdated ko ng tao. Kung anu lang kasi nararamdaman un lang bina blog ko. Ur not the only one na nag sabi. Dun sa isang blog ko may nag comment na halitulad sa japanese anime na movie love story. Thanks sa comment. hehe

      Liked by 1 person

      1. Yes. 🙂 Actually, Maganda yung movie. (If you’re into pinoy movies, Nung July pa yun so meron na siguro na malinaw na copy sa internet. Haha!)

        Likewise. Mas nagiging madali kasi yung pagbblog pag yun yung nararamdaman or naiisip e. Haha.

        Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s