12410515_10203666009489029_999054123372678006_n
Wine house, Old Tblisi, Georgia (Country)

“Ang buhay natin ay maihahalintulad sa isang bote ng paborito nating alak. Habang tumatagal, sumasarap. Pero pag naubos na, itatapon ka na lang nila, kakalimutan, ibabasura. May iba namang idi-display ka at gagawing palamuti sa bahay, koleksyon sa iba pang nainom nyang masarap na alak. Pero yung masaklap, e babasagin ka pa at sa daan ay iiwanan kang wasak!”

Hindi naman ako nag bago…

ron 2
Old Tbilisi, Georgia (Country)

Hindi naman ako nag bago,
Ginagamit ko lang naman kung anung natutunan ko.
Sa lahat ng mga naranasan ko
Sa mga sakit, hirap, pait, at nakakamanhid na pangyayaring gumugulantang sa buhay ko.

Hindi naman ako nag bago,
Mas pinili ko lang talagang lisanin ang dating ako.
Tinalikuran ko lang ang mahinang ako
Talunan, patanga-tanga at laging natatapakan ng iba.

Hindi naman ako nag bago,
Masyado lang kayong nagpapaapekto sa sinasabi ng ibang tao.
Nagpapadala kayo sa sulsol ng mga mapanirang usisero’t tsismosa
Nilalason ang isip nyo hanggang sa kayo ay mawalan ng ulira’t tiwala.

Hindi naman ako nag bago,
Dahil alam ko pa rin naman gampanan ang mga tungkulin ko.
Hindi ko nakakalimutan ang mga responsibilidad ko
At batid ko ang hangganan ng limitasyon ko.

Hindi naman talaga ako nagbago
Napagod na lang din siguro ako,
Sa paulit ulit na pangyayari
Sa paulit ulit mong mga drama at kwento
Sa paulit ulit nating mga senaryo
Na para bang walang katupusan kundi iyo’t iyun na lang ang rumorolyo.

Yun na nga! Wala pa ring nag bago,
Hanggang sa na wala na lang ang lahat lahat
Hanggang sa wala na kong maramdaman
Hanggang sa umabot na tayo sa sukdulan
At dinala na tayo sa puntong hindi na natin alam

Natuto na lang ako…

Hindi ko naman talaga piniling magbago
Mas pinili ko na lang ibahin ang pagkatao ko,
Dahil kung hahayaan kong manatili sa dating ako,
Hindi lang siguro ako magiging talo,

Baka tuluyan na din akong naglaho…