“Ano bang ginagawa ko sa buhay ko?”

Regret and death

Naitanong mo na ba ito sa sarili mo? Kasi ako oo!
Sa dinadami ng mga nangyaring masasakit sa buhay ko,
At sa tinagal tagal ng paghahanap ko ng mga sagot sa mga katanungan ko,
Sa huli, sa tanong lang din pala na ito ako mauuwi.

“Anu bang ginagawa ko sa buhay ko?”

Eto yung tanong na kung saan humantong na ako sa sukdulan.
Na hindi na option ang pag sisisi para matakpan lahat ng nangyari.
Na kung saan, wala na akong magagawa para balikan at piliting ayusin ang lahat.
Dahil sa punto na to, alam kong bagsak na ako, at alam kong nagkamali ako.

“Anu nga bang nagawa ko sa buhay ko?”

Dumating na ko sa puntong, wala na akong alam na ibang paraan,
Na hindi ko matanggap na umabot ako sa ganito.
Yung pinipilit kong tumakas pero nakatali na ang mga paa ko sa mga nangyari
Kaya pilit kong inililihis ang aking isipan sa ibang bagay at mangarap ng gising,
Na sana ganito, sana ganyan ang mga ginawa ko at ng naiwasan ko ang ngayong mga nangyari.

“Bakit ko nga ba nagawa ito sa buhay ko?”

Andito na ko sa finale,
Kung saan, unti-unti ko ng tinatanggap ang mga nangyari.
Na kung saan, inihahanda ko ang aking sarili sa isang pamamaalam.
Pamamaalam hindi lang sa mga bagay na nagawa ko,
Pamamaalam hindi lang sa mga taong nakapaloob dito,
Kundi pamamaalam sa sarili kong hindi kailanman nakaranas ng katahimikan.
Hindi kailanman nakagawa ng tama at pinagkaitan ng kasiyahan.

Kasalanan ko naman talaga e, kasi gaya mo;

Nagmahal lang din ako,
Naghangad maging maligaya
At Nangarap ding maging masaya!

Kaya ko ito nagawa. . .

Advertisements