Saving myself

maxresdefault.jpg

 

We all wanted to be happy!

Yun nga lang sa isang daang tao, maswerte na na merong dalawa o tatlong naging masaya. At yung 97 na natira? nakikipag-sapalaran pa rin.

I can say na, I’m one of those 97 people remaining.

I’m the type of person na I give everything kahit wala ng matira sakin. Kahit alam kong iyon na yung last money ko, last thing na meron ako. I will still give it. To the point a bibilhin ko yung pinaka maayos at mahal na regalo para sa birthday o especial na araw ng mahal ko kahit pa pikit mata ang presyo. Ako yung, gagastos para lang makatipid sya. That’s how generous I am basta para sa mahal ko.

Hindi ako madamot, God knows and my friends too. Kung anung meron ako, kung anung akin sa kanya din. At kahit na harapan nya kong ginago, ok pa rin sakin kasi mahal ko. Pinatawad ko pa rin sya. Kahit halos mabaliw ako sa mga nangyari.

I’m also the type of person na sobrang maasikaso. Daig ko pa ang nanay mo sa pag aalaga sayo. Na halos paliguan na kita para lang ma sure na maayos ka. Ipagluluto, ipaglalaba, ipamamalantsa, ipagbabaon ng food sa work at kapag may lakad kayo ng friends mo, ako pa mag preprepare ng gamit mo at susuutin mo kahit na pinakilala mo ko sa kanila bilang pinsan mo at hindi bilang mahal mo.

Pero wala e, sabi nga nila, “people come and go” & “People change”.
So isa ka pala sa kanila, nag sawa ka na at lahat ng sacrifices na ginawa ko, nabalewala mo lang.
You’re physically here besides me, but emotionally away. Nag hihintay na lang ako ng confirmation sayo to say na you wanted this to end. . .
And honestly?, I’ll walk away and leave you, even though masakit kasi I want you to be happy just like anyone else, kasi gaya ko, deserve mo din.

I have lived my 27 years giving providing all to my family. Because I though that is life supposed to be. As an OFW, kinakalimutan namin yung para samin kasi we want our family in Pinas to be happy and to fulfill what they want. In my 6 years here in UAE, nothing happened, walang ipon kundi utang. Every remittance ko parang di sapat and always kulang. Yung point na akala mo is okay na, yung akala mo sapat na sa kanila, hindi pa pala.

This past few days, ang dami kong narealize. That in this world, even you do good to everyone, for them it’s not enough, they won’t appreciate it and the only things they will remember from you is your mistakes.

I’m alone and will always end up being alone again. I guess this how cruel the world is, you dreamt something big and yet you failed. You love someone who doesn’t love you back, and someone who loves you but you can’t love back. Ang komplikado no? I didn’t ask God for a perfect life. Pero I think, its not meant for me. So let it be.

I came to the point na , I questioned God, why?

Yesterday, I woke up & decided to take my life. Sabi ko, kung meron man pipigil sakin, it a sign na wag. Pero none of them, stopped me. Kaya na I still went through. Habang lumalangoy ako palayo, ay sya namang lakas ng alon at tinatangay ako pabalik sa lupa. I end up crying, kasi di ko na talaga kaya.

I still have the will to end it all. Hindi man ngayon, pero ramdam ko malapit na. I just need the right sign, the right time and the right place. Because this is the only way how to save myself.

Advertisements

“Ano bang ginagawa ko sa buhay ko?”

Regret and death

Naitanong mo na ba ito sa sarili mo? Kasi ako oo!
Sa dinadami ng mga nangyaring masasakit sa buhay ko,
At sa tinagal tagal ng paghahanap ko ng mga sagot sa mga katanungan ko,
Sa huli, sa tanong lang din pala na ito ako mauuwi.

“Anu bang ginagawa ko sa buhay ko?”

Eto yung tanong na kung saan humantong na ako sa sukdulan.
Na hindi na option ang pag sisisi para matakpan lahat ng nangyari.
Na kung saan, wala na akong magagawa para balikan at piliting ayusin ang lahat.
Dahil sa punto na to, alam kong bagsak na ako, at alam kong nagkamali ako.

“Anu nga bang nagawa ko sa buhay ko?”

Dumating na ko sa puntong, wala na akong alam na ibang paraan,
Na hindi ko matanggap na umabot ako sa ganito.
Yung pinipilit kong tumakas pero nakatali na ang mga paa ko sa mga nangyari
Kaya pilit kong inililihis ang aking isipan sa ibang bagay at mangarap ng gising,
Na sana ganito, sana ganyan ang mga ginawa ko at ng naiwasan ko ang ngayong mga nangyari.

“Bakit ko nga ba nagawa ito sa buhay ko?”

Andito na ko sa finale,
Kung saan, unti-unti ko ng tinatanggap ang mga nangyari.
Na kung saan, inihahanda ko ang aking sarili sa isang pamamaalam.
Pamamaalam hindi lang sa mga bagay na nagawa ko,
Pamamaalam hindi lang sa mga taong nakapaloob dito,
Kundi pamamaalam sa sarili kong hindi kailanman nakaranas ng katahimikan.
Hindi kailanman nakagawa ng tama at pinagkaitan ng kasiyahan.

Kasalanan ko naman talaga e, kasi gaya mo;

Nagmahal lang din ako,
Naghangad maging maligaya
At Nangarap ding maging masaya!

Kaya ko ito nagawa. . .

Naranasan mo na ba?

broken-dreams

Naranasan mo na bang mangarap?
Mangarap ng mga simpleng bagay, simpleng kasiyahan.
At yung sa oras na makamit mo na ang simple mong pangarap, mangangarap ka ulit ng higit pa.
Hanggang ang simple ay maging impossible at hindi na normal gaya ng sa iba.
At ng mabigo ka hindi mo alam ang kung saan at kung papaano ka mag sisimula.

Naranasan mo na bang makipagkaibigan?
Yung bumuo ng isang samahang hindi matitinag?
Na kapag hindi ka na nauunawan ng mga tao sa paligid mo,
May isang taong babatok sa ulo mo, at dadamayan ka hanggang sa huli.
Pero nung magkaroon ka na, hindi ka pala nya masasamahan hanggang sa huli.
Gaya mo, may mga pangarap din pala sya.
Yun nga lang di ka kasama sa pangarap nya.

Naranasan mo na bang magmahal?
Magmahal ng taong, gusto mong makasama habang buhay?
Yung taong mamahalin ka din gaya ng pagmamahal mo sa kanya?
Yung taong makakasama mo sa pagbuo ng sarili mong pamilya,
At nang dumating na nga sya, ibinigay mong lahat lahat agad.
Yung wala ka ng tinira para lang mapaligaya sya.
At di nag tagal, nanawa na sya hindi dahil sa nalunod sya sa sobra mong pagmamahal.
Kundi hindi na pala tugma ang pangarap nyong dalawa.
At sa huli, hindi rin kayo nagtagal.
Iniwan ka nya at wala na sayong natira.

At naranasan mo na bang sumuko na lang?
Yung sakabila ng lahat ng pagsusumikap mo,
Sa kabila ng lahat ng ginawa mo para lang ika’y sumaya,
Sa huli, ikaw pa rin pa lang mag isa.
Nakakatulala, yung tutulo na lang ang iyong mga luha.
Yung halos buong oras mo kinain ng pananahimik mo sa isang sulok ng iyong silid.
Yung halos isip ka ng isip sa isang bagay na hindi mo naman matukoy kung ano nga ba talaga.
Yung hinahanap hanap mo ang sagot sa hindi mo naman alam na tanong.
Para ka ng tanga, dahil hindi mo na alam kung saan ka pupunta.

Hindi mo ba napapansin?
Lahat ng ito ay nabuo sa isang pangarap.
Lahat ng sayang naranasan mo ay nagsimula simple mong pangarap.
At lahat ng sakit na nararanasan mo ay tinapos din ng ng isang bigo mong pangarap.

Magpapatuloy ka pa ba?
Mangangarap ka pa rin ba?
O titigil ka na at magpapahinga?

Dumating ka na din ba?

_DSC0633
Jumeirah Beach – Dubai, United Arab Emirates

Dumating ka na ba sa puntong parang ayaw mo na?
Yung mga bagay na dati ay gustong gusto mong ginagawa,
Yung panahong sabik ka pa sa mga bagong bagay at hinahanap hanap mo.
Ngayon ay parang nag aalangan ka kung dapat pa ba o hindi na.

Dumating ka na ba puntong na namamanhid ka na?
Yung kahit anung gawin nila sayo parang balewala na,
Yung mga pagkakataon na hindi mo alam kung kelan ka ba dapat maging masaya o malungkot,
Yung mga sandaling hindi mo alam kung mali pa ba o tama.
Ngayon natutulala ka na lang kapag nangyari at natapos na.

Dumating ka na ba sa puntong nabubulag ka na?
Yung kahit andyan sila, parang hindi mo sila nakikita,
Yung kahit nakayakap sila sayo, ni hindi mo maramdaman ang bawat haplos nila,
Yung kahit saan ka nila dalhin o iwan, hindi mo na alintana.
Ngayon para ka ng tanga, isasama nila kapag kailangan pa at kapag hindi na, itatapon na lang basta.

At dumating ka na ba sa puntong sumuko ka na?
Yung mga pagakataong nalilito ka, hindi mo na alam kung saan pupunta,
Yung sa mga araw na dumadaan ni hindi ka man lang umuusad, hanggang sa napaglipasan ka na ng panahon at napagiwanan ng bawat pagakataon.
Ngayon parang kang matandang walang pinagkatandaan.

At, Yung sa mga oras na sa tindi ng sakit ng likod mo, dalang pagod sa pag pasan ng lahat ng ito,
Dumating na ka din ba sa puntong, mahiga na, pumikit, at magpahinga na?. . .

Hindi na ko masaya

man-desert-standing-alone-empty-33434756
United Arab Emirates

Hindi na ko masaya
Di ba pwedeng walang dahilan?
Di ba pwedeng basta ko na lang naramdaman?
Kailangan ko pa ba talagang ipaliwanag yan?

Sige…
Siguro ganito,

Hindi na ko masaya
Hindi dahil maliit lang ang kinikita ko
Hindi dahil ayoko sa pinagtratrabahunan ko.
Kung tutuusin okay naman sahod ko
Kung tutuusin wala naman perpektong amo
Kahit na naghahanap ako ng ibang mas magandang trabaho,
Sakto lang. Chill lang.

Hindi na ko masaya,
Hindi dahil malayo ako sa aking pamilya,
Hindi dahil mag-isa lang ako dito sa ibang bansa.
Kung tutuusin may skype at facebook naman para makausap sila.
Kung tutuusin may kasama naman ako dito sa bahay. Yun nga lang iba yung mundong ginagalawan niya.

Hindi na ko masaya
Hindi dahil, hindi ko na mahal ang mga tao sa paligid ko
Hindi dahil nasaktan nila ako o kung anu pa man.
Mahal ko pa rin naman sila, mahal ko pa rin sya.
Oo, nasasaktan ako. Pero kasalanan ko din naman.
Ako pumili nito, kaya pinagdudusahan ko.

Maaaring ganito,

Hindi na ko masaya,
Hindi dahil sa hindi na masayang mabuhay sa mundo.
Hindi dahil sa nakakapagod dahil sa paulit ulit na eksena araw-araw sa buhay ko
Kung tutuusin maraming bagay ang pwedeng gawin at dahilan para maenjoy ko ang buhay,
Nakakapagod man, nakakapagpahinga pa rin naman.

Ewan ko ba,

Wala naman talagang matinding dahilan
Wala rin naman talagang ibang paraan
Pag gising ko na lang isang umaga,
Basta ko na lang naramdaman,
At bigla na lang ako sinampal ng masakit na katotohang;

“Hindi na nga talaga ako masaya!”

Hindi naman ako nag bago…

ron 2
Old Tbilisi, Georgia (Country)

Hindi naman ako nag bago,
Ginagamit ko lang naman kung anung natutunan ko.
Sa lahat ng mga naranasan ko
Sa mga sakit, hirap, pait, at nakakamanhid na pangyayaring gumugulantang sa buhay ko.

Hindi naman ako nag bago,
Mas pinili ko lang talagang lisanin ang dating ako.
Tinalikuran ko lang ang mahinang ako
Talunan, patanga-tanga at laging natatapakan ng iba.

Hindi naman ako nag bago,
Masyado lang kayong nagpapaapekto sa sinasabi ng ibang tao.
Nagpapadala kayo sa sulsol ng mga mapanirang usisero’t tsismosa
Nilalason ang isip nyo hanggang sa kayo ay mawalan ng ulira’t tiwala.

Hindi naman ako nag bago,
Dahil alam ko pa rin naman gampanan ang mga tungkulin ko.
Hindi ko nakakalimutan ang mga responsibilidad ko
At batid ko ang hangganan ng limitasyon ko.

Hindi naman talaga ako nagbago
Napagod na lang din siguro ako,
Sa paulit ulit na pangyayari
Sa paulit ulit mong mga drama at kwento
Sa paulit ulit nating mga senaryo
Na para bang walang katupusan kundi iyo’t iyun na lang ang rumorolyo.

Yun na nga! Wala pa ring nag bago,
Hanggang sa na wala na lang ang lahat lahat
Hanggang sa wala na kong maramdaman
Hanggang sa umabot na tayo sa sukdulan
At dinala na tayo sa puntong hindi na natin alam

Natuto na lang ako…

Hindi ko naman talaga piniling magbago
Mas pinili ko na lang ibahin ang pagkatao ko,
Dahil kung hahayaan kong manatili sa dating ako,
Hindi lang siguro ako magiging talo,

Baka tuluyan na din akong naglaho…

Tamang sagot sa dapat na tanong…

 

12272671_10203562235814752_501800862_n
Dubai, United Arab Emirates

 

Hindi ko alam kung bakit?
Hindi ko alam kung saan?
Kung paano ko nga ba sisimulan.
Kung nuon pa lang, alam kong wala din naman patutunguhan.

Paano ko nga ba gagawin? kung wala namang basehan.
Paano nga ba ko tatagal,
kung wala namang pundasyong sakin ay gagabay.
Saan nga ba manggagaling ang tulong,
Kung sarado naman ang mga daan.

Ewan ko, nakaklito no?
Dahil kahit anung gawin kong paaran
Hinding hindi mo rin maiintindihan,
Masasaktan lang ako, ikaw, tayo.

Wala namang katapusan ang lahat ng ito,
Paulit ulit ko lang iisipin at itatanto
Hanggang sa matigilan ako’t matulala,
At sa hangin maiwanang nakanganga.

Nakakalito, nakakabobo,
Nakakatanga, nakakawindang,
Sana hindi na lang ako isinilang sa mundo,
Sana maglaho na lang ako…

Sabagay…

Paano ko nga ba makukuha ang tamang sagot?
Kung hindi ko alam kung ano ang dapat na tanong…
Walang tanong sa sagot
Walang rin sagot sa tanong.