avatar death.jpgHayaan mong sakin mag simula. Mag simulang tumalikod at lumakad palayo sayo. Palayo sa lahat ng ating pinagsamahan, sa lahat ng saya at lungkot, sa lahat ng sakit at hirap. Hindi dahil ito ang tama, kundi ito yung alam kong paraan na makakabuti para sumaya ka at sila upang matapos na ang kanilang pag aalala. Lalakad akong palayo, malayong malayo sa iyo, sa kanila  at sa mundong ito. 

Huwag mo sanang masamain. Hindi ikaw, hindi sila, kundi ako, ang sarili ko. Hindi ako sumusuko. Wala rin sa plano ko ang lisanin ang mundong to. Napagod na lang talaga ako. Napagod sa paulit ulit na pangyayari, sa walang katapusang sakit at tanong na, “bakit?, bakit ako pa, bakit ako andito?”

Sa bawat pag gising ko sa umaga palaging buntong hininga at bulong sa hangin, “eto na naman.” Bawat pag gising ay pawang kalbaryo. Buhay pa man ako pero ang kaluluwa ko naman ay mistulang lumilipad na sa himpapawid. 

Lumalaban naman ako. Pilit akong tumatayo, at sinasabing “kaya ko” at “Magagawa ko to”. Gusto ko pang magpatuloy at mabuhay. Pilit kong nilalabanan ang dilim na humahatak sakin pailalim. Pilit nyang pinapakita sakin ang magiging buhay ko sa kabilang lagusan. Isang malabot at maayos na kama sa gitna ng kawalan na naliligiran ng mga bituin. Isang kamang magiging pahingahan ko raw sa oras na ako’y sumama.

Gusto kong sumama na. Pero nililingon kita, ikaw, kayo, sila. Baka sakaling isa sa inyo ang makapigil sakin sumama sa dilim, baka isa sa inyo ang magparamdam na kailangan nyo pa ko. Kailangan nyo pa yung pagmamahal ko higit sa lahat at importate kesa sa suporta at tulong na binibigay ko sayo at sa kanila.

Gusto ko na magpahinga. Magpahinga na sayo, sa kanila, sa lahat ng to, sa mundong to. Pero, ako’y, umaasa…….

Advertisements

ronLooking back my past before I went to UAE, andami pala talaga nangyari at nagbago. Feel so weird & awkward, di ko alam what to react. Thankful naman ako kasi natulungan ko family ko. Apart from that, marami din naman akong natutunan at higit sa lahat malaki ung nabago sakin mula sa pananamit at pag uugali hahaha.

Nalulungkot din ako, dahil, with these changes na nangyari sa buhay ko. May mga nasira, nasaktan at sinaktan. Though hindi na maibabalik ang nasira na, walang way kundi tanggapin na lang lahat. 

I guess this is the reality of life, na habang natutupad mo pangarap mo, kasabay ang marami ang mga mangyayaring pagbabago sa buhay mo. Ang kapalit ng bawat tagumpay, may kasama ding kabiguan at ang bawat kasiyahan, may kasamang kalungkutan.

Nangarap ako, at ng unti unti ko namang naaabot, may nasaktan ako at may nasira. Nasaktan din ako at nabigo. Siguro nga, ang mundong to ay hindi talagang nilikhang perpekto. Hindi lahat pwedeng ibigay sayo. Pwede mong, hingin o asamin pero hindi lahat pwede mong kunin. 

Sa laban na to, masasabi kong talo ako. Dahil bukod sa hindi ko ganap na nakuha yung pangarap na gusto ko, yung buhay na hinahangad ko, yung pagmamahal na hinahanap ko at yung taong gusto kong makasama habang buhay. Talo dahil, nawala ako, hindi ko magawang maging kumpleto, hindi matanggap kung sino ako. At higit sa lahat maiiwan akong mag isa. 

Ako lang, wala sila, walang tayo, walang ikaw.

Ako,

lang…

Sasama na ba ko?

images Bumalik ka na naman. Matagal na halos nung simula ng nawala ka. Akala ko tapos na, akala ko nalampasan na kita, akala ko natakasan na kita, akala ko okey na. Puta! Hindi pa pala.

Takot ako sayo alam mo yan. Simula pa lang noon hawak mo na ko sa leeg. Kelan mo ba ko titigilan at patatahimikin? Nagmumukha na kong tanga at may sayad sa mata ng iba.

Hinahatak mo na ko pababa, pilit mo pa din akong sinasama. Kahit alam mong may ibang tao ng nangangalaga sakin. Kahit alam mong marami pa kong gustong abutin. Kahit alam mong marami pa kong pangarap na gustong marating. Pilit mong ipinamumukha sa akin na mas magaling ka, mas maalaga ka kesa sa kanya, pilit mong sinasabing ginagamit lang nya ko, at pinagdidiinan na di sya totoo, na balang araw iiwan nya din ako, pilit mong pinamumukha sa akin na itigil ko ng mangarap dahil mabibigo lang ako, At Sa kabila ng pagtatakwil ko sayo, andyan ka pa din. Pabalik-balik ka parin.

Pero alam mo, siguro nga tama ka. Dumating na nga ang araw na ayaw nya na, na saktan na nya ko, na gusto na nya kong bitawan. Nakakatawa no? Pinagtatanggol ko sya sayo, pero eto kinalabasan.

Wala na naman akong nararamdaman na iba kung hindi pagod. Masakit lang talaga sa likod. Ang bigat na sa loob. Ang iba kaya na wala ako. Mabubuhay sila ng wala ako. Ikaw, napatunayan mo kahit pano, na kahit wala ka na, binabalikan mo ako dahil hindi mo kayang wala ako.

Oo nga pala Birthday mo. Anu ba gusto mo regalo?

Happy Birthday!

Tanong ko lang, kung sasama ba ko sayo, hindi mo na ba ko iiwanan ulit?

 

#photoNotMine

Ang sama ko pala.

starwars_sadMay rason pa nga ba para sumaya? Tama bang sundin yung gusto mo kahit mali na para sa iba? Masama bang mag hangad ng isang bagay na kahit kelan e wala ka? Kasakiman bang kahit minsan maghanap ka ng katiting na  atensyon dahil alam mong buong buhay mo walang pumapansin sayo? Makasarili bang matatawag kung halos lahat ng bagay para sumaya sya ay nagawa mo na? O sadyang dapat mo na lang tanggapin na kahit kelan hindi ka sapat para sya maging maligaya?

Kelan pa naging mali ang isang bagay na tanging dun ka lang nagiging masaya? Dapat bang kalimutan na lang sarili mong kaligayahan para sa kapakanan ng iba? Dahil sa tuwing nagiging masaya ka ay nasasaktan sila. 

Ang sama ko pala. Dahil pinipilit ko ang isang bagay na hindi naman nararapat. Akala ko pwede pa. Akala ko okay lang. Hindi pala. Ako pala ay sumosobra na. 

Wala na ba talagang paraan para mabago pa? Kulang pa ba ang pag hingi ko ng tawad para maging ayos ang lahat? Bakit kahit anung gawin ko madumi pa din ako sa paningin nila? At kahit anung gawin kong pagbabago ay di na matanggal ang duming nakakapit sa akin? Dapat ko pa bang tanungin, kung bakit kayo lumalayo sa akin? Maging ang taong pinaka malapit sa akin ay napapagod na sa pag uugali ko. 

Siguro nga, kailangan ko ng lumayo. Hindi lang para matuto at buuin ang sarili ko kundi para wala ng masaktan na gaya niyo. Dahil pagod na kamo kayo. Hindi nga lang ako ang bida dito. Kung minsan nagiging kontrabida na pala ako sa mga kwento niyo. Kaya tama na. Tatanggapin ko na. 

Oo, Hindi lang ako ang may problema. Hindi lang ako ang gustong sumaya. Kayo din. Matatapos lang ba ang problema nyo at matatagpuan nyo ang kaligayan niyo kapag nawala na ako?

Sige pagbibigyan ko na kayo. Magpaparaya na ko. At sisimulan ng pakawalan ang bagay na kahit alam kong dun lang ako magiging masaya ay akin ng bibitawan. Aanhin ko ang saya kung ang ikaw naman ay hindi na masaya.

Gaya mo at nila nangangarap din akong maging masaya. Oo, Hindi nga naman masama o bawal maging maligaya kung ang kaligayahan mo ay kaligayahan din nila…

Salamat. Pasensya na… At sana maging masaya ka na. . .

 

#photonotmine.

“Ano bang ginagawa ko sa buhay ko?”

Regret and death

Naitanong mo na ba ito sa sarili mo? Kasi ako oo!
Sa dinadami ng mga nangyaring masasakit sa buhay ko,
At sa tinagal tagal ng paghahanap ko ng mga sagot sa mga katanungan ko,
Sa huli, sa tanong lang din pala na ito ako mauuwi.

“Anu bang ginagawa ko sa buhay ko?”

Eto yung tanong na kung saan humantong na ako sa sukdulan.
Na hindi na option ang pag sisisi para matakpan lahat ng nangyari.
Na kung saan, wala na akong magagawa para balikan at piliting ayusin ang lahat.
Dahil sa punto na to, alam kong bagsak na ako, at alam kong nagkamali ako.

“Anu nga bang nagawa ko sa buhay ko?”

Dumating na ko sa puntong, wala na akong alam na ibang paraan,
Na hindi ko matanggap na umabot ako sa ganito.
Yung pinipilit kong tumakas pero nakatali na ang mga paa ko sa mga nangyari
Kaya pilit kong inililihis ang aking isipan sa ibang bagay at mangarap ng gising,
Na sana ganito, sana ganyan ang mga ginawa ko at ng naiwasan ko ang ngayong mga nangyari.

“Bakit ko nga ba nagawa ito sa buhay ko?”

Andito na ko sa finale,
Kung saan, unti-unti ko ng tinatanggap ang mga nangyari.
Na kung saan, inihahanda ko ang aking sarili sa isang pamamaalam.
Pamamaalam hindi lang sa mga bagay na nagawa ko,
Pamamaalam hindi lang sa mga taong nakapaloob dito,
Kundi pamamaalam sa sarili kong hindi kailanman nakaranas ng katahimikan.
Hindi kailanman nakagawa ng tama at pinagkaitan ng kasiyahan.

Kasalanan ko naman talaga e, kasi gaya mo;

Nagmahal lang din ako,
Naghangad maging maligaya
At Nangarap ding maging masaya!

Kaya ko ito nagawa. . .