Tara, sa totoong mundo mo!

Minsan ba natanong mo na sarili mo kung bakit ka nabubuhay?

May time ba na ang saya saya mo tas bigla ka lang tatahimik ng walang dahilan at sasagi sa isip mo na parang may kulang? Na sa twing iniisip mo yung kulang ay lalong dumadami yung mga katanungan? At sa kakaisip mo ng kasagutan ay dumadami ang nagiging kulang.

Halos minsan ba pag natutulog ka iinisip mo na sana magising ka na lang sa ibang mundo? O kung minsan kapag ang mundong nagisingan mo ay katulad lang ng mundong ginagalawan mo ngayon, mas pinipili mo na lang bang di na magising pa?

May oras na kung minsan nasasabi mo sa sarili mong, “hindi ako nararapat dito.” Dahil minsan e pakiramdam mo, Pangit ka! Bobo! Tanga! Walang Silbi! Patay na Bata!

At halos Iniisip mo na lang na kinakarma ka sa mga bagay na alam mo naman na hindi mo kasalanan. Pero wala kang magawa dahil mas pinipili mo na lang akuin ang pagkakasala ng iba. Oo! may choice ka namang umiwas sa kanila pero wala ka magawa dahil alam mong pag hinayaan mo lang ay iiwan ka nila.

Tama! Natatakot kang mawala sila. Ayaw mo lang din aminin sa sarili mo. Dahil alam mong sila lang ang tanging dahilan kung bakit ka humihinga. Kaya kahit minsan, Kahit nag mumukha ka ng tanga, kahit harap harapan ka na nilang ginagago, ay sige ka parin. Kahit ang sakit sakit na. Kahit sa loob mo e napapamura ka na. “Putang Ina!”  gusto mo nang sumabog di ba? pero ano? Walang kang magawa!

Walang kayang umintindi sayo. Ultimong pamilya mo di alam ang pinag dadaanan mo. Kahit mga kaibigan mo naiinis na din sayo. At ang taong pinaka mahalaga sa buhay mo ay sukang suka na sa pag mumukha mo!

Darating din ang araw na Iiwan ka nya. Ultimong pamilya mo e wala ng pakialam sayo. At bawat kaibigan mo e maiinis na sayo. Sawang Sawa na sila sayo, wala ng maniniwala dahil nasususka na sila sayo. At iisipin na sana di ka na lang naging parte ng buhay nila. Wala kang ginawang masama sa kanila. Talaga lang nag pakatanga ka dahil mahal mo sila. Di rin sila galit sayo, di ka lang talaga nila gusto.

Siguro marahil, hindi ka lang talaga para sa mundong ito. Nabibilang ka sa ibang mundo. Maaaring nagkamali lang yung taas na ilagay ka sa mundong to. Kung ako sayo, sisimulan ko ng tumakas, tumakbo palayo. Hanapin mo yung talagang mundo mo. Kung saan, walang mananakit sayo, wala ng sakit na mararamdaman at di ka na mapapagod.

Ipikit mo na mga mata mo. Magpahinga ka na. Malayo pa lalakbayin mo. At sa pagmulat ng mga mata mo. Tinitiyak ko sayo, nakarating ka na sa totoo mong mundo.

Advertisements

Sasamahan Kita

Hello Ron, Kamusta ka na? Kaya mo pa ba? Gusto ko lang sabihin sayo na, Andito lang ako. Kung lahat ng tao sa paligid mo ay di ka na maintindihan, Hindi kana kayang mahalin, at kinamunuhian ka na nila, pwes, ako hindi.

Kung hindi ka nila pinaniniwalaan, pwes ako naniniwala pa rin sayo. Kung lahat sila ay pagod na sa ugali mo at sa mismong sa pagkatao mo, ako kelan man ay hindi. At kung lahat sila ay iiwan ka, wag ka mag alala kase ako laging nasa tabi mo. Kung pagod ka na at ayaw mo na talaga. Sabihin mo lang, sasamahan kita. Kahit gaano pa kataas ang gusto mong talunin, tatalon akong kasama ka. At Kahit sang dagat mo gustong sumisid, sisisid akong kasama mo hanggang ilalim. Baril man o talas ng gulok, sasabayan kita sa pagdanak ng ating dugo. At kung ayaw mong makaramdam ng sakit, sasabyan kitang uminom ng gamot hanggang sa makatulog tayo ng mahimbing.

Hindi kita iiwan kase ako lang ang tanging nakakaunawa at nagmamahal ng totoo sayo.

Nagmamahal,

Ang iyong Sarili.



Yung dumating ka na sa point na hindi mo na alam. Na nawalan ka na lang basta ng pakiramdam. Nawalan ka na ng tiwala sa kahit na sino. Na parang wala ka ng pakialam kung anu pa man mangyari sayo.

Yung gusto mo sumigaw pero halos wala kang lakas. Yung gusto mo lumabas kasama mga kaibigan at bigla mo narealize na wala ka palang kaibigan. Yung gusto mo magkwento sa pamilya mo pero alam mong di ka nila maiintindihan. 

At Yung Bespren mong mahal na tanging syang sana mas makakaintindi sayo ay hindi mo na malapitan at masabihan dahil pati sya ay malayo na sayo at nabibingi na sa paulit ulit mong problema.

Mag isa ka na lang. Wala kang magawa dahil wala ka din namang choice kundi manahimik na lang at kimkimin ang lahat. Alam mo sa sarili mong hindi mo na kaya. Kaya ngayon pa lang naghahanap ka kung paano at saan mo ito tatapusin. Yung tahimik, Yung kung saan walang makakakita, walang makakaalam at wala kang maiiwang bakas!

“Malaki pinag kaiba ng pagkwekwento sa hinaing at pag rereklamo. Nang pag kokomento at puna kesa sa paninisi at pagsisisi. Unawain mo muna sana ang mga bawat bagay na nababasa mo o naririning mo, lalo sa mga pangyayari sa paligid mo na nakikita mo. Kaya kung minsan, kaya ka napapahamak at nasasaktan dahil sa maling pag aakala at panghuhusga mo.”

Dumating ka na din ba?

_DSC0633
Jumeirah Beach – Dubai, United Arab Emirates

Dumating ka na ba sa puntong parang ayaw mo na?
Yung mga bagay na dati ay gustong gusto mong ginagawa,
Yung panahong sabik ka pa sa mga bagong bagay at hinahanap hanap mo.
Ngayon ay parang nag aalangan ka kung dapat pa ba o hindi na.

Dumating ka na ba puntong na namamanhid ka na?
Yung kahit anung gawin nila sayo parang balewala na,
Yung mga pagkakataon na hindi mo alam kung kelan ka ba dapat maging masaya o malungkot,
Yung mga sandaling hindi mo alam kung mali pa ba o tama.
Ngayon natutulala ka na lang kapag nangyari at natapos na.

Dumating ka na ba sa puntong nabubulag ka na?
Yung kahit andyan sila, parang hindi mo sila nakikita,
Yung kahit nakayakap sila sayo, ni hindi mo maramdaman ang bawat haplos nila,
Yung kahit saan ka nila dalhin o iwan, hindi mo na alintana.
Ngayon para ka ng tanga, isasama nila kapag kailangan pa at kapag hindi na, itatapon na lang basta.

At dumating ka na ba sa puntong sumuko ka na?
Yung mga pagakataong nalilito ka, hindi mo na alam kung saan pupunta,
Yung sa mga araw na dumadaan ni hindi ka man lang umuusad, hanggang sa napaglipasan ka na ng panahon at napagiwanan ng bawat pagakataon.
Ngayon parang kang matandang walang pinagkatandaan.

At, Yung sa mga oras na sa tindi ng sakit ng likod mo, dalang pagod sa pag pasan ng lahat ng ito,
Dumating na ka din ba sa puntong, mahiga na, pumikit, at magpahinga na?. . .

12410515_10203666009489029_999054123372678006_n
Wine house, Old Tblisi, Georgia (Country)

“Ang buhay natin ay maihahalintulad sa isang bote ng paborito nating alak. Habang tumatagal, sumasarap. Pero pag naubos na, itatapon ka na lang nila, kakalimutan, ibabasura. May iba namang idi-display ka at gagawing palamuti sa bahay, koleksyon sa iba pang nainom nyang masarap na alak. Pero yung masaklap, e babasagin ka pa at sa daan ay iiwanan kang wasak!”