Ang sama ko pala.

starwars_sadMay rason pa nga ba para sumaya? Tama bang sundin yung gusto mo kahit mali na para sa iba? Masama bang mag hangad ng isang bagay na kahit kelan e wala ka? Kasakiman bang kahit minsan maghanap ka ng katiting na  atensyon dahil alam mong buong buhay mo walang pumapansin sayo? Makasarili bang matatawag kung halos lahat ng bagay para sumaya sya ay nagawa mo na? O sadyang dapat mo na lang tanggapin na kahit kelan hindi ka sapat para sya maging maligaya?

Kelan pa naging mali ang isang bagay na tanging dun ka lang nagiging masaya? Dapat bang kalimutan na lang sarili mong kaligayahan para sa kapakanan ng iba? Dahil sa tuwing nagiging masaya ka ay nasasaktan sila. 

Ang sama ko pala. Dahil pinipilit ko ang isang bagay na hindi naman nararapat. Akala ko pwede pa. Akala ko okay lang. Hindi pala. Ako pala ay sumosobra na. 

Wala na ba talagang paraan para mabago pa? Kulang pa ba ang pag hingi ko ng tawad para maging ayos ang lahat? Bakit kahit anung gawin ko madumi pa din ako sa paningin nila? At kahit anung gawin kong pagbabago ay di na matanggal ang duming nakakapit sa akin? Dapat ko pa bang tanungin, kung bakit kayo lumalayo sa akin? Maging ang taong pinaka malapit sa akin ay napapagod na sa pag uugali ko. 

Siguro nga, kailangan ko ng lumayo. Hindi lang para matuto at buuin ang sarili ko kundi para wala ng masaktan na gaya niyo. Dahil pagod na kamo kayo. Hindi nga lang ako ang bida dito. Kung minsan nagiging kontrabida na pala ako sa mga kwento niyo. Kaya tama na. Tatanggapin ko na. 

Oo, Hindi lang ako ang may problema. Hindi lang ako ang gustong sumaya. Kayo din. Matatapos lang ba ang problema nyo at matatagpuan nyo ang kaligayan niyo kapag nawala na ako?

Sige pagbibigyan ko na kayo. Magpaparaya na ko. At sisimulan ng pakawalan ang bagay na kahit alam kong dun lang ako magiging masaya ay akin ng bibitawan. Aanhin ko ang saya kung ang ikaw naman ay hindi na masaya.

Gaya mo at nila nangangarap din akong maging masaya. Oo, Hindi nga naman masama o bawal maging maligaya kung ang kaligayahan mo ay kaligayahan din nila…

Salamat. Pasensya na… At sana maging masaya ka na. . .

 

#photonotmine.

Hindi na ko masaya

man-desert-standing-alone-empty-33434756
United Arab Emirates

Hindi na ko masaya
Di ba pwedeng walang dahilan?
Di ba pwedeng basta ko na lang naramdaman?
Kailangan ko pa ba talagang ipaliwanag yan?

Sige…
Siguro ganito,

Hindi na ko masaya
Hindi dahil maliit lang ang kinikita ko
Hindi dahil ayoko sa pinagtratrabahunan ko.
Kung tutuusin okay naman sahod ko
Kung tutuusin wala naman perpektong amo
Kahit na naghahanap ako ng ibang mas magandang trabaho,
Sakto lang. Chill lang.

Hindi na ko masaya,
Hindi dahil malayo ako sa aking pamilya,
Hindi dahil mag-isa lang ako dito sa ibang bansa.
Kung tutuusin may skype at facebook naman para makausap sila.
Kung tutuusin may kasama naman ako dito sa bahay. Yun nga lang iba yung mundong ginagalawan niya.

Hindi na ko masaya
Hindi dahil, hindi ko na mahal ang mga tao sa paligid ko
Hindi dahil nasaktan nila ako o kung anu pa man.
Mahal ko pa rin naman sila, mahal ko pa rin sya.
Oo, nasasaktan ako. Pero kasalanan ko din naman.
Ako pumili nito, kaya pinagdudusahan ko.

Maaaring ganito,

Hindi na ko masaya,
Hindi dahil sa hindi na masayang mabuhay sa mundo.
Hindi dahil sa nakakapagod dahil sa paulit ulit na eksena araw-araw sa buhay ko
Kung tutuusin maraming bagay ang pwedeng gawin at dahilan para maenjoy ko ang buhay,
Nakakapagod man, nakakapagpahinga pa rin naman.

Ewan ko ba,

Wala naman talagang matinding dahilan
Wala rin naman talagang ibang paraan
Pag gising ko na lang isang umaga,
Basta ko na lang naramdaman,
At bigla na lang ako sinampal ng masakit na katotohang;

“Hindi na nga talaga ako masaya!”