ronLooking back my past before I went to UAE, andami pala talaga nangyari at nagbago. Feel so weird & awkward, di ko alam what to react. Thankful naman ako kasi natulungan ko family ko. Apart from that, marami din naman akong natutunan at higit sa lahat malaki ung nabago sakin mula sa pananamit at pag uugali hahaha.

Nalulungkot din ako, dahil, with these changes na nangyari sa buhay ko. May mga nasira, nasaktan at sinaktan. Though hindi na maibabalik ang nasira na, walang way kundi tanggapin na lang lahat. 

I guess this is the reality of life, na habang natutupad mo pangarap mo, kasabay ang marami ang mga mangyayaring pagbabago sa buhay mo. Ang kapalit ng bawat tagumpay, may kasama ding kabiguan at ang bawat kasiyahan, may kasamang kalungkutan.

Nangarap ako, at ng unti unti ko namang naaabot, may nasaktan ako at may nasira. Nasaktan din ako at nabigo. Siguro nga, ang mundong to ay hindi talagang nilikhang perpekto. Hindi lahat pwedeng ibigay sayo. Pwede mong, hingin o asamin pero hindi lahat pwede mong kunin. 

Sa laban na to, masasabi kong talo ako. Dahil bukod sa hindi ko ganap na nakuha yung pangarap na gusto ko, yung buhay na hinahangad ko, yung pagmamahal na hinahanap ko at yung taong gusto kong makasama habang buhay. Talo dahil, nawala ako, hindi ko magawang maging kumpleto, hindi matanggap kung sino ako. At higit sa lahat maiiwan akong mag isa. 

Ako lang, wala sila, walang tayo, walang ikaw.

Ako,

lang…

Advertisements

Tara, sa totoong mundo mo!

Minsan ba natanong mo na sarili mo kung bakit ka nabubuhay?

May time ba na ang saya saya mo tas bigla ka lang tatahimik ng walang dahilan at sasagi sa isip mo na parang may kulang? Na sa twing iniisip mo yung kulang ay lalong dumadami yung mga katanungan? At sa kakaisip mo ng kasagutan ay dumadami ang nagiging kulang.

Halos minsan ba pag natutulog ka iinisip mo na sana magising ka na lang sa ibang mundo? O kung minsan kapag ang mundong nagisingan mo ay katulad lang ng mundong ginagalawan mo ngayon, mas pinipili mo na lang bang di na magising pa?

May oras na kung minsan nasasabi mo sa sarili mong, “hindi ako nararapat dito.” Dahil minsan e pakiramdam mo, Pangit ka! Bobo! Tanga! Walang Silbi! Patay na Bata!

At halos Iniisip mo na lang na kinakarma ka sa mga bagay na alam mo naman na hindi mo kasalanan. Pero wala kang magawa dahil mas pinipili mo na lang akuin ang pagkakasala ng iba. Oo! may choice ka namang umiwas sa kanila pero wala ka magawa dahil alam mong pag hinayaan mo lang ay iiwan ka nila.

Tama! Natatakot kang mawala sila. Ayaw mo lang din aminin sa sarili mo. Dahil alam mong sila lang ang tanging dahilan kung bakit ka humihinga. Kaya kahit minsan, Kahit nag mumukha ka ng tanga, kahit harap harapan ka na nilang ginagago, ay sige ka parin. Kahit ang sakit sakit na. Kahit sa loob mo e napapamura ka na. “Putang Ina!”  gusto mo nang sumabog di ba? pero ano? Walang kang magawa!

Walang kayang umintindi sayo. Ultimong pamilya mo di alam ang pinag dadaanan mo. Kahit mga kaibigan mo naiinis na din sayo. At ang taong pinaka mahalaga sa buhay mo ay sukang suka na sa pag mumukha mo!

Darating din ang araw na Iiwan ka nya. Ultimong pamilya mo e wala ng pakialam sayo. At bawat kaibigan mo e maiinis na sayo. Sawang Sawa na sila sayo, wala ng maniniwala dahil nasususka na sila sayo. At iisipin na sana di ka na lang naging parte ng buhay nila. Wala kang ginawang masama sa kanila. Talaga lang nag pakatanga ka dahil mahal mo sila. Di rin sila galit sayo, di ka lang talaga nila gusto.

Siguro marahil, hindi ka lang talaga para sa mundong ito. Nabibilang ka sa ibang mundo. Maaaring nagkamali lang yung taas na ilagay ka sa mundong to. Kung ako sayo, sisimulan ko ng tumakas, tumakbo palayo. Hanapin mo yung talagang mundo mo. Kung saan, walang mananakit sayo, wala ng sakit na mararamdaman at di ka na mapapagod.

Ipikit mo na mga mata mo. Magpahinga ka na. Malayo pa lalakbayin mo. At sa pagmulat ng mga mata mo. Tinitiyak ko sayo, nakarating ka na sa totoo mong mundo.

Naranasan mo na ba?

broken-dreams

Naranasan mo na bang mangarap?
Mangarap ng mga simpleng bagay, simpleng kasiyahan.
At yung sa oras na makamit mo na ang simple mong pangarap, mangangarap ka ulit ng higit pa.
Hanggang ang simple ay maging impossible at hindi na normal gaya ng sa iba.
At ng mabigo ka hindi mo alam ang kung saan at kung papaano ka mag sisimula.

Naranasan mo na bang makipagkaibigan?
Yung bumuo ng isang samahang hindi matitinag?
Na kapag hindi ka na nauunawan ng mga tao sa paligid mo,
May isang taong babatok sa ulo mo, at dadamayan ka hanggang sa huli.
Pero nung magkaroon ka na, hindi ka pala nya masasamahan hanggang sa huli.
Gaya mo, may mga pangarap din pala sya.
Yun nga lang di ka kasama sa pangarap nya.

Naranasan mo na bang magmahal?
Magmahal ng taong, gusto mong makasama habang buhay?
Yung taong mamahalin ka din gaya ng pagmamahal mo sa kanya?
Yung taong makakasama mo sa pagbuo ng sarili mong pamilya,
At nang dumating na nga sya, ibinigay mong lahat lahat agad.
Yung wala ka ng tinira para lang mapaligaya sya.
At di nag tagal, nanawa na sya hindi dahil sa nalunod sya sa sobra mong pagmamahal.
Kundi hindi na pala tugma ang pangarap nyong dalawa.
At sa huli, hindi rin kayo nagtagal.
Iniwan ka nya at wala na sayong natira.

At naranasan mo na bang sumuko na lang?
Yung sakabila ng lahat ng pagsusumikap mo,
Sa kabila ng lahat ng ginawa mo para lang ika’y sumaya,
Sa huli, ikaw pa rin pa lang mag isa.
Nakakatulala, yung tutulo na lang ang iyong mga luha.
Yung halos buong oras mo kinain ng pananahimik mo sa isang sulok ng iyong silid.
Yung halos isip ka ng isip sa isang bagay na hindi mo naman matukoy kung ano nga ba talaga.
Yung hinahanap hanap mo ang sagot sa hindi mo naman alam na tanong.
Para ka ng tanga, dahil hindi mo na alam kung saan ka pupunta.

Hindi mo ba napapansin?
Lahat ng ito ay nabuo sa isang pangarap.
Lahat ng sayang naranasan mo ay nagsimula simple mong pangarap.
At lahat ng sakit na nararanasan mo ay tinapos din ng ng isang bigo mong pangarap.

Magpapatuloy ka pa ba?
Mangangarap ka pa rin ba?
O titigil ka na at magpapahinga?



Yung dumating ka na sa point na hindi mo na alam. Na nawalan ka na lang basta ng pakiramdam. Nawalan ka na ng tiwala sa kahit na sino. Na parang wala ka ng pakialam kung anu pa man mangyari sayo.

Yung gusto mo sumigaw pero halos wala kang lakas. Yung gusto mo lumabas kasama mga kaibigan at bigla mo narealize na wala ka palang kaibigan. Yung gusto mo magkwento sa pamilya mo pero alam mong di ka nila maiintindihan. 

At Yung Bespren mong mahal na tanging syang sana mas makakaintindi sayo ay hindi mo na malapitan at masabihan dahil pati sya ay malayo na sayo at nabibingi na sa paulit ulit mong problema.

Mag isa ka na lang. Wala kang magawa dahil wala ka din namang choice kundi manahimik na lang at kimkimin ang lahat. Alam mo sa sarili mong hindi mo na kaya. Kaya ngayon pa lang naghahanap ka kung paano at saan mo ito tatapusin. Yung tahimik, Yung kung saan walang makakakita, walang makakaalam at wala kang maiiwang bakas!

“Malaki pinag kaiba ng pagkwekwento sa hinaing at pag rereklamo. Nang pag kokomento at puna kesa sa paninisi at pagsisisi. Unawain mo muna sana ang mga bawat bagay na nababasa mo o naririning mo, lalo sa mga pangyayari sa paligid mo na nakikita mo. Kaya kung minsan, kaya ka napapahamak at nasasaktan dahil sa maling pag aakala at panghuhusga mo.”

Dumating ka na din ba?

_DSC0633
Jumeirah Beach – Dubai, United Arab Emirates

Dumating ka na ba sa puntong parang ayaw mo na?
Yung mga bagay na dati ay gustong gusto mong ginagawa,
Yung panahong sabik ka pa sa mga bagong bagay at hinahanap hanap mo.
Ngayon ay parang nag aalangan ka kung dapat pa ba o hindi na.

Dumating ka na ba puntong na namamanhid ka na?
Yung kahit anung gawin nila sayo parang balewala na,
Yung mga pagkakataon na hindi mo alam kung kelan ka ba dapat maging masaya o malungkot,
Yung mga sandaling hindi mo alam kung mali pa ba o tama.
Ngayon natutulala ka na lang kapag nangyari at natapos na.

Dumating ka na ba sa puntong nabubulag ka na?
Yung kahit andyan sila, parang hindi mo sila nakikita,
Yung kahit nakayakap sila sayo, ni hindi mo maramdaman ang bawat haplos nila,
Yung kahit saan ka nila dalhin o iwan, hindi mo na alintana.
Ngayon para ka ng tanga, isasama nila kapag kailangan pa at kapag hindi na, itatapon na lang basta.

At dumating ka na ba sa puntong sumuko ka na?
Yung mga pagakataong nalilito ka, hindi mo na alam kung saan pupunta,
Yung sa mga araw na dumadaan ni hindi ka man lang umuusad, hanggang sa napaglipasan ka na ng panahon at napagiwanan ng bawat pagakataon.
Ngayon parang kang matandang walang pinagkatandaan.

At, Yung sa mga oras na sa tindi ng sakit ng likod mo, dalang pagod sa pag pasan ng lahat ng ito,
Dumating na ka din ba sa puntong, mahiga na, pumikit, at magpahinga na?. . .

Hindi na ko masaya

man-desert-standing-alone-empty-33434756
United Arab Emirates

Hindi na ko masaya
Di ba pwedeng walang dahilan?
Di ba pwedeng basta ko na lang naramdaman?
Kailangan ko pa ba talagang ipaliwanag yan?

Sige…
Siguro ganito,

Hindi na ko masaya
Hindi dahil maliit lang ang kinikita ko
Hindi dahil ayoko sa pinagtratrabahunan ko.
Kung tutuusin okay naman sahod ko
Kung tutuusin wala naman perpektong amo
Kahit na naghahanap ako ng ibang mas magandang trabaho,
Sakto lang. Chill lang.

Hindi na ko masaya,
Hindi dahil malayo ako sa aking pamilya,
Hindi dahil mag-isa lang ako dito sa ibang bansa.
Kung tutuusin may skype at facebook naman para makausap sila.
Kung tutuusin may kasama naman ako dito sa bahay. Yun nga lang iba yung mundong ginagalawan niya.

Hindi na ko masaya
Hindi dahil, hindi ko na mahal ang mga tao sa paligid ko
Hindi dahil nasaktan nila ako o kung anu pa man.
Mahal ko pa rin naman sila, mahal ko pa rin sya.
Oo, nasasaktan ako. Pero kasalanan ko din naman.
Ako pumili nito, kaya pinagdudusahan ko.

Maaaring ganito,

Hindi na ko masaya,
Hindi dahil sa hindi na masayang mabuhay sa mundo.
Hindi dahil sa nakakapagod dahil sa paulit ulit na eksena araw-araw sa buhay ko
Kung tutuusin maraming bagay ang pwedeng gawin at dahilan para maenjoy ko ang buhay,
Nakakapagod man, nakakapagpahinga pa rin naman.

Ewan ko ba,

Wala naman talagang matinding dahilan
Wala rin naman talagang ibang paraan
Pag gising ko na lang isang umaga,
Basta ko na lang naramdaman,
At bigla na lang ako sinampal ng masakit na katotohang;

“Hindi na nga talaga ako masaya!”