Ang sama ko pala.

starwars_sadMay rason pa nga ba para sumaya? Tama bang sundin yung gusto mo kahit mali na para sa iba? Masama bang mag hangad ng isang bagay na kahit kelan e wala ka? Kasakiman bang kahit minsan maghanap ka ng katiting na  atensyon dahil alam mong buong buhay mo walang pumapansin sayo? Makasarili bang matatawag kung halos lahat ng bagay para sumaya sya ay nagawa mo na? O sadyang dapat mo na lang tanggapin na kahit kelan hindi ka sapat para sya maging maligaya?

Kelan pa naging mali ang isang bagay na tanging dun ka lang nagiging masaya? Dapat bang kalimutan na lang sarili mong kaligayahan para sa kapakanan ng iba? Dahil sa tuwing nagiging masaya ka ay nasasaktan sila. 

Ang sama ko pala. Dahil pinipilit ko ang isang bagay na hindi naman nararapat. Akala ko pwede pa. Akala ko okay lang. Hindi pala. Ako pala ay sumosobra na. 

Wala na ba talagang paraan para mabago pa? Kulang pa ba ang pag hingi ko ng tawad para maging ayos ang lahat? Bakit kahit anung gawin ko madumi pa din ako sa paningin nila? At kahit anung gawin kong pagbabago ay di na matanggal ang duming nakakapit sa akin? Dapat ko pa bang tanungin, kung bakit kayo lumalayo sa akin? Maging ang taong pinaka malapit sa akin ay napapagod na sa pag uugali ko. 

Siguro nga, kailangan ko ng lumayo. Hindi lang para matuto at buuin ang sarili ko kundi para wala ng masaktan na gaya niyo. Dahil pagod na kamo kayo. Hindi nga lang ako ang bida dito. Kung minsan nagiging kontrabida na pala ako sa mga kwento niyo. Kaya tama na. Tatanggapin ko na. 

Oo, Hindi lang ako ang may problema. Hindi lang ako ang gustong sumaya. Kayo din. Matatapos lang ba ang problema nyo at matatagpuan nyo ang kaligayan niyo kapag nawala na ako?

Sige pagbibigyan ko na kayo. Magpaparaya na ko. At sisimulan ng pakawalan ang bagay na kahit alam kong dun lang ako magiging masaya ay akin ng bibitawan. Aanhin ko ang saya kung ang ikaw naman ay hindi na masaya.

Gaya mo at nila nangangarap din akong maging masaya. Oo, Hindi nga naman masama o bawal maging maligaya kung ang kaligayahan mo ay kaligayahan din nila…

Salamat. Pasensya na… At sana maging masaya ka na. . .

 

#photonotmine.

Advertisements

“Ano bang ginagawa ko sa buhay ko?”

Regret and death

Naitanong mo na ba ito sa sarili mo? Kasi ako oo!
Sa dinadami ng mga nangyaring masasakit sa buhay ko,
At sa tinagal tagal ng paghahanap ko ng mga sagot sa mga katanungan ko,
Sa huli, sa tanong lang din pala na ito ako mauuwi.

“Anu bang ginagawa ko sa buhay ko?”

Eto yung tanong na kung saan humantong na ako sa sukdulan.
Na hindi na option ang pag sisisi para matakpan lahat ng nangyari.
Na kung saan, wala na akong magagawa para balikan at piliting ayusin ang lahat.
Dahil sa punto na to, alam kong bagsak na ako, at alam kong nagkamali ako.

“Anu nga bang nagawa ko sa buhay ko?”

Dumating na ko sa puntong, wala na akong alam na ibang paraan,
Na hindi ko matanggap na umabot ako sa ganito.
Yung pinipilit kong tumakas pero nakatali na ang mga paa ko sa mga nangyari
Kaya pilit kong inililihis ang aking isipan sa ibang bagay at mangarap ng gising,
Na sana ganito, sana ganyan ang mga ginawa ko at ng naiwasan ko ang ngayong mga nangyari.

“Bakit ko nga ba nagawa ito sa buhay ko?”

Andito na ko sa finale,
Kung saan, unti-unti ko ng tinatanggap ang mga nangyari.
Na kung saan, inihahanda ko ang aking sarili sa isang pamamaalam.
Pamamaalam hindi lang sa mga bagay na nagawa ko,
Pamamaalam hindi lang sa mga taong nakapaloob dito,
Kundi pamamaalam sa sarili kong hindi kailanman nakaranas ng katahimikan.
Hindi kailanman nakagawa ng tama at pinagkaitan ng kasiyahan.

Kasalanan ko naman talaga e, kasi gaya mo;

Nagmahal lang din ako,
Naghangad maging maligaya
At Nangarap ding maging masaya!

Kaya ko ito nagawa. . .

Naranasan mo na ba?

broken-dreams

Naranasan mo na bang mangarap?
Mangarap ng mga simpleng bagay, simpleng kasiyahan.
At yung sa oras na makamit mo na ang simple mong pangarap, mangangarap ka ulit ng higit pa.
Hanggang ang simple ay maging impossible at hindi na normal gaya ng sa iba.
At ng mabigo ka hindi mo alam ang kung saan at kung papaano ka mag sisimula.

Naranasan mo na bang makipagkaibigan?
Yung bumuo ng isang samahang hindi matitinag?
Na kapag hindi ka na nauunawan ng mga tao sa paligid mo,
May isang taong babatok sa ulo mo, at dadamayan ka hanggang sa huli.
Pero nung magkaroon ka na, hindi ka pala nya masasamahan hanggang sa huli.
Gaya mo, may mga pangarap din pala sya.
Yun nga lang di ka kasama sa pangarap nya.

Naranasan mo na bang magmahal?
Magmahal ng taong, gusto mong makasama habang buhay?
Yung taong mamahalin ka din gaya ng pagmamahal mo sa kanya?
Yung taong makakasama mo sa pagbuo ng sarili mong pamilya,
At nang dumating na nga sya, ibinigay mong lahat lahat agad.
Yung wala ka ng tinira para lang mapaligaya sya.
At di nag tagal, nanawa na sya hindi dahil sa nalunod sya sa sobra mong pagmamahal.
Kundi hindi na pala tugma ang pangarap nyong dalawa.
At sa huli, hindi rin kayo nagtagal.
Iniwan ka nya at wala na sayong natira.

At naranasan mo na bang sumuko na lang?
Yung sakabila ng lahat ng pagsusumikap mo,
Sa kabila ng lahat ng ginawa mo para lang ika’y sumaya,
Sa huli, ikaw pa rin pa lang mag isa.
Nakakatulala, yung tutulo na lang ang iyong mga luha.
Yung halos buong oras mo kinain ng pananahimik mo sa isang sulok ng iyong silid.
Yung halos isip ka ng isip sa isang bagay na hindi mo naman matukoy kung ano nga ba talaga.
Yung hinahanap hanap mo ang sagot sa hindi mo naman alam na tanong.
Para ka ng tanga, dahil hindi mo na alam kung saan ka pupunta.

Hindi mo ba napapansin?
Lahat ng ito ay nabuo sa isang pangarap.
Lahat ng sayang naranasan mo ay nagsimula simple mong pangarap.
At lahat ng sakit na nararanasan mo ay tinapos din ng ng isang bigo mong pangarap.

Magpapatuloy ka pa ba?
Mangangarap ka pa rin ba?
O titigil ka na at magpapahinga?

Lesson Learned: #loveyourself

f5e95dd61d1b73a06ab796a69f13041f
Credit: (Vevo) Love yourself – Justine Bieber

Hi! It’s been a while since the last time na nakapag blog ako dito.
Medyo busy na kasi sa work and there’s a lot of good things happened to me.
Akala ko nga tuloy tuloy na, ang saya ko na nga e.
Kaso akala ko lang pala.

Our company has been merged to other company. Reason for them to promote me as the head of our department(reception). Though walang increase ng sahod due to short off budget sila because of the expenses they’ve had sa transition. Pero oks lang. Medyo malayo nga lang din ang oras ng byahe ko to work. 1 and 1/2 hours Train and bus. Pero that’s work e. I’m being positive pa din.

My family way back in Philippines. Oks nmn din kahit panu nakakaraos na kami. And my ex wife, we’re friends na. I can able to talk to my daughter na din. And our utang ay matatapos na next month. So I can start to save money na.

OK na sana e… Kaso kagabi biglang nag iba.
My best friend and I had a heart to heart talk.
Kinausap ko sya because I wanted to know bakit sya nanlalamig sakin.
Bakit wala syang gana?. We talked seriously…
At sinampal ako ng masakit na katotohanan na, Ayaw na nga nya talaga.

Una. Mali kasi talaga ang meron samin.
Pangalawa. Hindi talaga pwede yung gusto kong mangyari.
Pangatlo. Gusto nya talagang maging masaya.

3 Facts that makes me realized, how stupid am I to spend my time to a person na hindi pala kayang tumagal sakin. How bullshit am I na isarado ko ang mundo ko sa taong nagparamdam sa akin kung gaano ako katae at kabasura. Matagal na pala syang sawa sa akin, di pa nya sinabi nuon pa. Making a lot of alibi na in general daw na keso ganto, keso ganyan. Masakit puta! But At least na sabi na din nya totoo.

I cried, and I’m still. Pero Siguro this time tama na. I should let go of all this. Palayain ko na din sya. Anu ba naman ang 4 years na pinagsamahan namin.
Gusto nga nya na magstay pa ko kasama sya at suportahan ko sya, suportahan ko sya sa mga gusto nyang mangyari sa buhay nya, na para sa kanya. How selfish di ba? Pano naman ako pag nakuha na nya gusto nya? iiwan ulit sa ere? Pagmumukhaing tae at basura ulit? So I make a decision kahit sobrang sakit sakin.

Aalis ako. Kasi kung hindi ko gagawin yun, hindi na ako makaka-move on. I’ll still make my life suffering habang sya e sumasaya sa buhay na pinipili nya.
I’m not a selfish ashole, So hahayaan ko na sya . Kung saan sya magiging masaya. Kung saan hindi na nya ko pwede sisihin sa mga bagay na dahil sakin kaya di nya nagawa mga bagay na dapat.

Mahal ko sya e, sobra. Para bang first time kong na in love sa isang babae. Hahaha. Kaso Bestfriend daw kami, and bestfriend don’t eat themselves! Just like a potato! “if you eat them they’ll die!”.
Fact: We ate ourselves naman before but we still alive an barely breathing… Siguro mas paniniwalaan ko na lang ang rason nyang sawa na saya sakin. I mean kaya nyang tuparin ang gusto nyang mangyari kahit naman andito ako, nasasakanya yun. Maybe mas gusto nya na lang iba, kasi puro nga naman ako na lang. Hahaha! Anyway bahala na sya. I’m done!

Starting today: I’ll live my life alone. Maybe I don’t deserve to be happy and have the life I wanted to. Maybe I would never find a true friend and a lover & Maybe my life will never be right. But I’ll give myself a worth, cause even the whole fucking world leaves me, I still have me! myself, alone!

#lovemyself more.
#loveyourself



Yung dumating ka na sa point na hindi mo na alam. Na nawalan ka na lang basta ng pakiramdam. Nawalan ka na ng tiwala sa kahit na sino. Na parang wala ka ng pakialam kung anu pa man mangyari sayo.

Yung gusto mo sumigaw pero halos wala kang lakas. Yung gusto mo lumabas kasama mga kaibigan at bigla mo narealize na wala ka palang kaibigan. Yung gusto mo magkwento sa pamilya mo pero alam mong di ka nila maiintindihan. 

At Yung Bespren mong mahal na tanging syang sana mas makakaintindi sayo ay hindi mo na malapitan at masabihan dahil pati sya ay malayo na sayo at nabibingi na sa paulit ulit mong problema.

Mag isa ka na lang. Wala kang magawa dahil wala ka din namang choice kundi manahimik na lang at kimkimin ang lahat. Alam mo sa sarili mong hindi mo na kaya. Kaya ngayon pa lang naghahanap ka kung paano at saan mo ito tatapusin. Yung tahimik, Yung kung saan walang makakakita, walang makakaalam at wala kang maiiwang bakas!

“Malaki pinag kaiba ng pagkwekwento sa hinaing at pag rereklamo. Nang pag kokomento at puna kesa sa paninisi at pagsisisi. Unawain mo muna sana ang mga bawat bagay na nababasa mo o naririning mo, lalo sa mga pangyayari sa paligid mo na nakikita mo. Kaya kung minsan, kaya ka napapahamak at nasasaktan dahil sa maling pag aakala at panghuhusga mo.”